"Sumunod na ka na lang," anito. "Hi Tita! Hi Tito! Good evening po!" bati ko sa mga magulang ni Derek nang dumaan kami sa salas nila. "Val. Where are you taking him, son?" Hindi naman na sumagot si Derek at patuloy lang na naglakad kaya ako na ang napalingon kela Tito at Tita. "Gagawa lang po kami ng assigments ni Derek, Tita." "Oh, alright." Patuloy pa rin siyang naglakad hanggang sa makarating na kami sa veranda. Tumigil na siya sa pagkalakadkad sa akin. "Ano bang problema mo? Kanina ka pa--" Napatigil naman ako sa pag sasalita nang makita ang nasa table ngayon. Isaw, betamax, barbecue, at iba pa. Hindi ko naman akalain na sineryoso niya talaga ang pagbili nito sa akin. "Ay, sorry, hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo na may work na ako. Sana hindi na kita pinaghintay pa--" "Hindi m

