Third Person POV Kinabukasan nga ay ipinatawag ni Enrico ang mga magulang ni Agatha pati na rin ang Family Valderama. Kasama na rito sina Robi at Agatha pati na rin ang kaisa-isang anak ng pamilya Valderama. Habang inaayusan si Sydney sa kwarto nito ay isa-isa na nga silang nagsidatingan. Walang ideya si Sydney na darating din sina Agatha at Robi. Ang alam niya ay Pamilya Valderama lang at ang nag-iisang anak nito na hindi niya pa alam kahit ang pangalan. "Napakaganda mo, Ma'am Sydney..." humahangang saad ng kanyang make up artist. Ito rin ang nag-ayos sa kanya kahapon lang pero grabe pa rin ang paghanga nito sa kanyang kagandahan kahit sa pangalawang pagkakataon na. Hindi naman nagsalita si Sydney at ngumiti lang ng bahagya at tinitigan lang ulit ang sarili sa salamin na para bang

