Third Person's POV Nang magising si Sydney ay nakahiga na siya sa kanyang kama. Napahawak pa siya sa kanyang ulo dahil para binibiyak pa rin ito sa sobrang sakit. Binalak niyang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga ngunit nakaramdam siya ng matinding pagkahilo kaya bumagsak ulit siya sa kanyang hinihigaan. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo. "M-mom?" She called out for her mom. Hindi pa gaanong malinaw sa paningin niya ang pigurang nakikita niya ngunit alam niyang mommy niya ang nasa tapat ng pintuan habang may kausap ito. Nais niyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit medyo malayo sa kinaroroonan niya at pawang bulong na lang ang nakakarating sa kanyang pandinig. "Mom?" Ulit pa niya habang namimilipit sa sakit sa ul

