Third Person POV Paalis na sana si Robi. Naisip niyang baka abutan pa siya ni Enrico ngunit hindi niya inaasahan na tatawagin siya ni Cornelia para kausapin. Dumiretso sila sa chapel upang walang ibang makakita sa kanilang pag-uusap. Nais ni Cornelia na makausap si Robi ng sarilinan. Gusto niyang papangakuin si Robi na aalagaan at poprotektahan nito ang kanyang pinakamamahal na anak kapalit ng pag-suway nito sa desisyon ng asawa. "I need to find my child, Cornelia." Diretsong saad ni Robi. "Ginagawa namin ito para mahanap ang anak namin na itinago ni Enrico pagkapanganak pa lang sa kanya ni Sydney." "I know. Kaya nga tutulungan ko kayo. Bigyan nyo lang ako ng ilang araw at aalamin ko yun mula kay Enrico. Gagawin ko ito dahil ayaw ko ng makitang nahihirapan at nagdurusa ang anak ko. I

