Third Person's POV "Happy Birthday, Baby Reese! And Welcome to the Christian World!" Makalipas nga ang anim na buwan ay naging tahimik na ang buhay nina Robi at Sydney. Namuhat sila ng walang bumabagabag sa mga sarili nila. Naging panatag ang loob nila dahil sigurado silang wala ng manggugulo sa kanilang dalawa. At ngayon nga ay ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng kanilang anak pari na rin ang binyag nito. Isang taon na si Reese. Kumpleto ang pamilya nila. Hindi na rin muling bumuo si Robi ng grupo dahil mas gusto na lang niya ang payak at tahimik na buhay sa isang probinsya. Malaya, walang kalaban at masaya lang sila. Nagtayo sila ng mga business, palaisdaan at iba pang mga ikinabubuhay sa bukid. Hindi naman niya iniwan ang kanyang mga tauhan dahil ang mga ito pa rin ang nagsisilb

