Third Person's POV Nang makaalis na nga sina Sydney at Robi ay siyang pagdating naman ng mga kapulisan. At kagaya nga ng pangako ni Cecilla kay Robi at Sydney ay papakawalan niya sa pagkakakulong ni Enrico si Cornelia. Pinuntahan niya ito sa basement at sinilip isa-isa ang mga naliliit na silid doon. "Balae, halika na. Malaya ka na." Ani Cecilla kay Cornelia pagkabukas pa lang niya ng pintuan. Hindi naman agad makapaniwala si Cornelia. Ngunit natuwa siya ng makalabas na siya sa madilim at masikip na silid na iyon. Nang malaman ni Enrico na tinulungan niya si Sydney at Enrico na mahanap ang anak nito ay nagalit ito sa kanya. Pilit siyang isinama pauwi at agad na ikinulong sa basement. Isang linggo siyang naglagi doon at itinuring na parang isang hayop. Dadalhan siya ng pagkain ng

