Third Person's POV Papasok pa lang si Sydney ng malaking gate ng mansion ni Enrico ay sinalubong na kaagad siya ng kanyang Mommy Cornelia. Agad siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa kanyang pisngi. Niyakap niya rin ang kanyang ina ngunit natigilan siya ng biglang sumulpot si Enrico sa likuran ng kanyang ina. Tahimik ito. Hindi kagaya dati na magiliw at mabait sa kanya. Pero dahil sa binabalak nila ni Robi ay nginitian niya ang kanyang ama. "Hi! Dad! I miss you too!" Aniya rito at hinalikan niya pa ito pisngi. Natigilan rin si Enrico sa ginawa niya. Hindi agad ito nag-response sa kanya ngunit kaalunan ay niyakap rin siya nito at hinaplos ang likuran niya. "Patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Pero dahil nagbalik ka ng walang galit sa akin ay itatama ko na ang la

