Third Person's POV Nakaupo silang dalawa sa tabing dagat. Nasa unahan ni Robi si Sydney habang nakayakap sa dalaga ng mahigpit. Nakalulan ang baba ni Robi na parang ibinibigay niya ang lahat ng bigat niya sa balikat ng dalaga. Yakap naman ni Sydney ang braso ni Robi habang nakahilig rin ang ulo nito. "Ang ganda ng dagat, noh? Napakapayapang tingnan." Saad ni Sydney na punong-puno ng paghanga sa dagat sa kanilang harapan. May latag silang puting kumot at doon sila nakaupong dalawa. "Oo nga e, pero syempre, wala ng gaganda pa sa taong mahal ko," tugon ni Robi habang kay Sydney nakatuon ang mga mata. Agad na napangiti si Sydney at mas naramdaman pa niya ang paghigpit ng yakap ni Robi sa kanya. "Masyado mo akong pinapakilig ngayong araw, ah? Bumabawi ka naman yata ng sobra. Pero gusto

