Third Person's POV "Hey, Lyndon! Game ka ba? Alis tayo?" "Saan naman tayo pupunta?" Inaantok na saad ni Lyndon sa kabilang linya. "Mag-disco tayo!" "Disco? Paano ba yan, inaantok na ako?" "So, ayaw mo? Sige! Ako na lang," ani Sydney at ibababa na sana ang telepono. "W-wait! Okay! I'll wait you in the lobby." Napangiti si Sydney at tumayo na agad sa kanyang kamang hinihigaan upang makapag-ayos na ng kanyang sarili. Nagsuot siya ng maikling kulay itim na leather skirt. Tinernuhan niya ito ng red croptop. Pinuyod niya ng pagkataas-taas ang kanyang buhok at nag-make up ng makapal. Kinulayan rin niya ng kulay pula ang manipis niyang labi at nagsuot ng high heels saka nag-spray ng paborito niyang perfume. "Perfect!" Saad pa niya sa kanyang sarili bago lumabas na ng kanyang hotel

