"Tita, ingat kayo. Salamat po sa handa. Puwede pa ata yun hanggang next week." Nagtawanan kami.
"Oh siya sige na, ihahatid ko na lang din 'to si tita. Happy Birthday! Sorry hindi ako puwede mag sleep over ha? Hindi pumayag si 'dy."
"I already told you, okay nga lang. Kulit talaga ng lahi mo." She barks out a laugh. Muli niyang hinaplos si mikmik bago ako binatukan.
"Aray!" Nilakihan niya lang ako ng mata.
"Sige na, Shaenna. Aalis na kami ha? sana masaya ka kahit papaano, pasensya na ayun lang nakayanan ng tita mo." Niyakap ako ni Tita Cevanna bago haplusin si mikmik. Ngumiti ako nang matamis at nagpakawala ng malalim na paghinga.
Alas diyes na nang tuluyang makaalis sina Mika. Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nasa kandungan si mikmik. I'm actually a bit drowsy not until I heard a soft knock. Sino naman kaya 'yon? Sila tita ba? Wala naman silang naiwan ah?
I gaped when I saw him.
"Mico..."
Agad din akong nakabawi sa medyo pagkagulat matapos ang ilang segundo. He licked his lower lip and cleared his throat before start talking.
"Happy Birthday." Mahinahon lang ang pagkasabi niya noon at tipid lamang ang ngiti.
"Uh.. thanks. Gabi na, nag abala ka pa."
"Pumunta ako kanina... pero naabutan kitang kasama si Gilbert." Tinitigan ko siya. Yeah I know, nakita kita. I pursed my lips and remain silent.
"Did you celebrate with him?" Nag iwas siya ng tingin. Oh... Is he jealous?
Napangisi ako sa naisip. "Yeah, I actually enjoyed it." hinahanap ko ang mata niya pero sadyang ayaw niya akong tingnan. He nodded.
"Kita ko nga." Liningon niya ako gamit ang seryoso niyang mukha. Napanis ang ngiti ko. Damn he really is jealous. Oh no Mico, are you losing the game already?
"Nandito ka lang ba para bumati?" nakangiti ako pero sa hawak niya nakatuon ang atensyon. I'm sure those are mine. Napansin niya iyon, muli ko siyang binalingan na nakakunot ang noo nang tinago niya 'yon sa likod niya.
"Nahihiya ka bang ibigay yan? Akin na." I chuckled and try to get the gift and roses.
"Hindi 'to para sa'yo." Unti unting nawala ang ngiti ko at tumigil sa pag abot noon.
"You're such a bad liar, Mr. Tabarez." I smirked.
"Oh... Did I upset you?.... Ms. Velasquez?" Lutang na lutang ang panunuya sa tono ng boses niya. Damn you! Ugh.
"Don't worry, I'm not upset. I'm not even surprised to know that you are the one who will ruin my birthday." I gave him a fake smile. Yung kitang kita niya ang kapekean nito.
His smile faded. He was about to speak when I held up a hand. "But... Thank you for the greeting tho... kung ako sa'yo, sana pinagpabukas mo na lang ang pagbati at nakipag kita ka na lang sana sa pagbibigyan mo niyan or you should've text me instead OR okay lang din naman kung hindi ka na lang nag abalang bumati." Halata ang diin sa bawat salitang binibitawan ko.
We are both looking intently into each other's eyes.
Ilang segundong katahimikan bago muli ako nagsalita. Wala nang ekspresyon ang aking mukha samantalang si Mico... Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Masyadong delikado kung tititigan ko nang matagal ang mga mata niya.
"Umalis ka na."
"Nagbibiro lang ako kanina... sa'yo talaga ito." tiningnan ko ang apat na pirasong pulang rosas at isang medyo maliit na box.
Nawalan na ako nang gana, nanatili ang tingin ko doon.
"Hindi ko na matatanggap 'yan. Salamat na lang." My voice was sour. He remained standing there. I saw how shocked he was.
Huwag mo akong binibiro Mico. Hindi ka matutuwa.
I shut the door. Sumandal ako doon at nagbuga ng hininga. When I spotted mikmik peacefully sleeping on the sofa, I smiled... as if nothing happened.
Kinabukasan mas maaga akong nagising, nilabas ko si mikmik para maka ihi at maka dumi na rin. Pagkabalik sa bahay ay siya muna ang pinakain ko bago ako. Napatigil ako sa pagaayos nang gamit nang maisip kong hindi ko puwede iwan si mikmik mag isa dahil baby pa ito. Ayoko siya iwan.
Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si Mika.
"God, Mika. Hindi ko puwede iwan si mikmik!" I sounded so stressed. Well, I am really stressed. Paano ko maaalagaan si mikmik kung pumapasok ako? Mamaya pang hapon ang uwi ko.
"Wala akong klase later, just drop off the key of your house on our house bago ka pumasok."
I gritted my teeth and look at the clock on the wall.
"Paano sa monday?"
"Oh my God, Shae. s**t. I'm sorry hindi ko pinag isipan niregalo ko sa'yo. Sana pala makeup na lang or anything useful." I sighed.
"If you want, ibigay mo muna sa'kin si mikmik since we have maids here." Kumunot ang noo ko. Ugh! Pero ayoko naman non. Napalapit na agad ako kay mikmik.
"s**t!" I cursed when I heard the bell rang. Mabilis ang takbo ko papasok sa building namin.
Lahat sila ay nakaupo na sa kaniya kaniyang upuan kaya nagmadali agad akong umupo. Sinubukan kong makinig sa lecture pero talagang kusang lumilipad ang utak ko sa kung saan. Hinawakan ko ang kulay silver na necklace na may pendant na butterfly. Bigay ni Mika. Iniwan ko muna sa kaniya si Mikmik. Plano kong kunin ulit siya tuwing bago ako umuwi pero masyadong magiging magastos sa pamasahe.
"Shae, can I borrow your notes? ibabalik ko din mamaya bago umuwi." Ani bigla ni Carol. Medyo nagulat pa ako sa pag approach niya dahil madalang siya magsalita. Actually, first time niya akong nilapitan.
I want to ask why me, nandiyan naman yung pinaka matalino sa'min but I just nodded and immediately give her my notes
"Thanks." tipid na lang akong ngumiti at agad na lumabas dahil lunch break na.
I almost screamed when someone gripped my arms and drag me. "What the hell are you doing? bitiwan mo 'ko!" Hinahampas ko ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa braso ko.
"I am starting to get scared of you. Palagi mo na lang akong hinihila. Puwede mo naman akong i-approach!" mabilis ang bawat paghinga ko nang tumigil kami sa wala masyadong estudyante.
"I'm sorry. Did I hurt you?" Inobserbahan niya ang braso ko na kanina'y hawak niya at kitang kita ang pag alala sa mga mata.
"Naguguluhan na ako sa inaasta mo, Mico. Ano bang kailangan mo?"
Huminga siya nang malalim at agad ding binuga ito. "I'm really sorry... for ruining your birthday." Nanatili akong nakatitig sa kaniya, hinihintay ang mga susunod pang sasabihin.
"Alright, I was jealous."
My jaw dropped. "What?" I asked, confused.
"Jealous? W-Why? Kanino?", Was he kidding?
Nakuha ko na rin ang tinutukoy niya. Nagselos siya sa'min ni Gilbert kahapon. Kaya pala.
"So... you like me?" Natawa ako sa reaksyon niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? wala namang mali doon ah? Sabi niya nagseselos siya. Hindi naman siya magseselos kung wala siyang gusto sa'kin.
Or is this part of the game? Nakikisakay ba siya at sinusubukan niya ako gamit ang pag arte arte niya nang ganito?
"Oo." Tumama ang liwanag nang araw sa kaniya. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang olive complexion, bagay na bagay ito sa kaniya. He also has brown eyes that is so dangerous to stare 'cause I might lose.
I peeled my eyes away from him, "Are you sure about that? Ilang beses ko nang nasabi sa'yo diba-"
"At sinabi ko na din sa'yo na bigyan mo ako ng pagkakataon diba?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Parang sigurado ka namang mapapabago mo ang mga pananaw ko. How sure are you of what you are not sure of?" I chuckled mockingly.
My breath caught when he reduced the space between us. I took a step backward. Napalunok ako sa pagiging seryoso ng mukha niya.
"How sure are you na hindi ko kayang gawin iyon? Changing your perspectives... madali lang iyon, kung hahayaan mo ako."
"Really?" I scoffed. "At pagtapos? Pag napaniwala mo na ako, doon mo na ako iiwan?"
"Bakit ba 'yan ang iniisip mo?" Kunot ang noo niya at halatang medyo frustrated na.
"Dahil iyon naman talaga ang palaging nangyayari. Hindi tayo sigurado sa kahahantungan ng lahat. Walang nakakaalam." Naghuhurimintado na ang puso ko sa lapit niya sa'kin, napatitig ako sa adam's apple niya nang gumalaw ito.
"Gusto kita Shaenna."
Pinipigilan ko ang mabilis na paghinga. Dammit!
"It takes more than that to make me believe you are sincere. Hindi basta basta binibigay ang chansa, Mico. Binibigay lang dapat iyon sa mga napagkakatiwalaan. Don't beg, it will be given to you willingly if you're deserving. "
He should stop asking me for a chance, instead, show me that he deserves my attention... and love. Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan. Kung seryoso man siya, bakit? Bakit ako pa?
"If you want me in your life, prove it Mico."
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya.
"I will prove it to you then."
Saglit akong huminto dahil doon at bumuga ng hininga bago muling nagpatuloy.