Chapter 9

2089 Words
"Happy Birthday, Ms. Velasquez!" Napa pikit ako sa gulat nang makita ko si Mika sa labas ng pinto. "Ano? Ganyan ba ang celebrant pag may bisita? Aren't you gonna let me inside?" I rolled my eyes and open the door wider. Ngiting ngiti siya nang nakapasok sa bahay. Si tita ay 'di pa tapos maghanda. Wala naman akong inimbitahan, pero baka may iilang pumunta kahit di ko naman sinabi. May mga nag abot pa ng regalo kanina sa school, syempre galing sa mga naka fling ko. May pa roses pa sila at teddy bear! Ano, grade 6? Pinahirapan ako magbuhat pauwi! Yang si Mico, hindi na naman nagpakita! Ang kapal pa ng mukha niyang sabihin na bigyan ko siya ng chance! "Bakit ba naka busangot ka diyan? Birthday na birthday mo oh!" Sambit ni Mika nang maisara ko ang pinto. "Wala." "Sus! Saka bakit naka ayos ka pa ng ganyan? May iba pa bang bisita? Mga lalaki ba karamihan?" She wiggled her eyebrows. I gave her a slight scowl. I am wearing a red tube partnered with my black grid trouser pants but barefooted. I also put my hair in a messy bun and wear smokey eye make up and cherry lips. Sigurado akong di naman ganon karami ang pupunta dito, yung mga makakapal lang ang apog. "Where's your gift?" Humalukipkip ako at tinaas ang isang kilay. Tumawa siya doon, "Later, naiwan ko sa kotse." Napairap naman ako at muling binuksan ang pinto. "Labas. Kunin mo." Her jaw dropped. Maybe because I look so serious while saying those words. "Ohmygod? Kailan ka pa nasabik sa regalo? You hate gifts and surprises diba?" Tumayo siya at umarteng 'di makapaniwala. "Malay ko ba kung espesyal ang regalo mo sa'kin? It's my eighteenth birthday." I tilted my head. A ghost of smile was plastered on her face. Hindi niya ako sinagot at lumabas na lang para kunin ang regalo sa kotse niya. Naupo naman ako sa sofa nang lumabas si tita sa kitchen at may dalang pagkain para kay Mika. "Narinig ko nandito na ang bestfriend mo ah? Nasaan na?" Lumingon lingon siya sa paligid. "Wala na tita. Pinaalis ko." Gumalaw ang hawak niyang plato at baso dahil sa sinabi ko. "Ano?! Sino ang kakain ng handa mo?!" Nanlaki ang mata ni tita at konti na lang ay uusok na ang ilong. Tumawa ako nang malakas na halatang kina inis niya kaya tumalikod na siya. "Tita joke lang!" Alam kong narinig niya ako pero bumalik na siya sa kusina. "Oh! Happy Eighteenth. Akin na lang siya kapag ayaw mo?" Napabaling ako kay Mika na may buhat na kulay pulang box at may kulay silver na ribbon. Nanlaki ang mata ko nang magkaroon ng ideya kung ano ang nasa loob. Medyo mabigat yun at ramdam ko ang paggalaw nito sa loob. "Holy---" Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko. Isa iyong kulay brown na toy poodle! I pouted as I carry the cute puppy and I pouted more when I faced Mika. "That's 14k if you're wondering. Yung food niya for one month nasa car pa rin. Hindi ko mabuhat kanina e, later na lang ha?" Tumango lang ako, naka pout pa rin. "What should I name you? Are you a girl?" "Ako na sasagot, baka pag sumagot yan ay maihagis mo pa, yes, she's a girl. She's still 2 months old. Uhm but can you buy food for her pag naubos na yung bigay ko?" "Actually, dagdag 'to sa gastusin. But because I love animals, no worries, Miks! I got it. May work na ako next week." Naka ngiti kong tugon habang naka tingin pa din sa aso. Tahimik lang siya, so freakin' cute! My heart is melting. "Really? Saan naman?" "Basta. Puntahan mo si tita sa kusina akala niya kanina umalis ka na." Hmmm what should I name this little girl right here? I'm not good at giving names. "Aha! I will call you Mikmik na lang!" Tumawa ako sa sariling ideya at niyakap ang aso. "Cutie!" Biglang may kumatok kaya agad akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Hawak hawak ko ang aso sa dibdib nito habang nakaipit ang katawan sa kanang braso ko. "Happy Birthday, Shae!" Medyo nagulat ako nang nakita kung sino ang nandoon. Si Sabrina, Brit, Patricia, Niki, Cristine, Blue, and Gilbert ang naroon. "Thanks, pasok." I gave them a small smile pero nasa asong hawak ko ang atensyon nila maliban kay Gilbert. "Ang cute naman! Sino nagbigay?" Ani Cristine. Hinahaplos na ng girls si Mikmik. "Uh best friend ko, she's already eating inside. Pasok na kayo para makakain na din." "Okay, we'll just put our gifts sa gilid na lang ng small table." Tumango ako. "Blue, san sina Tristan? Ba't di sumabay?" Umakbay siya kay Niki. "Kailangan ko 'to sabayan eh." Ngumiti silang dalawa sa isa't isa kaya napangiti din ako. Glad I never flirted with Blue. Sila pala ni Niki. She's the captain of the volleyball team of our school, we're not really close. But I think, they considered me as their friend despite of being the playgirl of our school. Binigay ko muna si mikmik kay Mika nang matapos siyang kumain. Tinawanan niya pa nga ako nang sinabi ko ang pangalan ng aso. Tinulungan ko si tita maghanda ng pagkain para sa konting bisita. Gilbert seems quiet, I noticed he wouldn't look me in the eye. "Sige na, kumain na kayo." "Shae, pinapasabi ni Tristan na hindi siya makakapunta. Ewan ko kung anong pinagkakaabalahan niya pero babawi na lang daw siya sa'yo bukas. Happy Birthday daw." "Okay lang kamo." tumango lang si Blue at nagsimula na silang kumain. I asked them if they want to sing and they all said yes, well, except for Gilbert 'cause he doesn't speak whenever I'm around, and so, I turn on the karaoke. Iniwan ko muna sila saglit nang nagkakantahan na sila at pumunta sa kuwarto. Naabutan ko si Mika na nakikipag laro kay mikmik. "Hoy Mikaela, ikaw ang maglalaba ng bedsheet ko kapag naihian yan ah." she just rolled her eyes at me and resume on playing with mikmik. "May tumawag ba?" tanong ko bago maabot ng kamay ko ang cell phone. "Wala naman, bakit may inaasahan ka bang tumawag? yung..." umayos siya sa pagkakaupo sa kama. She gave me a meaningful look. The second I started to frown, I saw her smirk. "Yung ano?" "Wala wala."umiling iling pa siya pero patuloy pa din ang pag ngisi. Ang babaeng 'to! iniissue na naman ako! Sumabog ang cell phone ko sa notifications. Marami ang bumati sa akin sa f*******: at i********:. Dumiretso ako sa messages pero hindi man lang ako binati ng unggoy na Mico na 'yon. Teka nga, ba't pa ba ako umaasa eh halata namang nakikipaglaro lang din siya. Tingnan lang talaga natin kung kanino ang huling halakhak huh. Binagsak ko ang cell phone doon sa side table kaya nabaling na naman sa'kin ang atensyon ni Mika. "Bumalik ka na nga doon sa mga bisita mo. Dapat ini-entertain mo sila. Shoo!" Tinulak niya pa talaga ako. "Oo na! Eto na lalabas na ako, ayaw mo ba sila makilala?" iling lang ang sinagot niya kaya iniwan ko na siya don. "Shae! Nandito na pala si Pat, pinapasok at binigyan na din siya ng pagkain ng tita mo." Naabutan ko sila na kumakanta ng opm at nakikisabay naman si tita sa kanila habang si Pat ay napatayo mula sa pag-kain niya. Nag punas siya ng bibig at inabot sa'kin ang isang pahabang box. "Ballpen daw ang laman niyan!" sinabi pa talaga iyon ni Sab sa mic kaya nagtawanan sila. Ramdam ko ang ilang ni Patricia kaya ngumiti na lang ako at tinanggap ang regalo. "Salamat, nilapag mo na lang sana doon kasama ng regalo nila." Napalingon naman siya doon. I wonder if she knows her older brother used to pick me up from our school last week. Wala lang ba iyon? why would a guy like him would do that? pero sabi ni Mico ay may girlfriend na iyon. Baka isipin ni Patricia na may gusto ako sa kuya niya kapag tinanong ko ang tungkol doon. "Gilbert ikaw naman! Kanina ka pa nanahimik diyan. Takot ka ba sa tita ni Shae?" Ani Blue. Nagsimula na silang mag kantyawan dahil don. Makahulugan naman akong tinitigan ni Tita. What the hell? "Sige na kumanta ka na!" "Kakanta na 'yan! kakanta na 'yan!" paulit ulit nilang sinambit 'yon. Nang lumingon siya sa'kin ay tumango ako. Ayoko namang maging kj dito. Ini-stop nila ang kanta na nagp-play kanina pa at hinayaan si Gilbert maghanap ng kakantahin. Sakto naman ang paglabas ni Mika kaya pinakilala ko na siya sakanila. Sayang at wala dito si Tristan, balak ko pa namang ireto sa kaniya 'tong babaeng 'to. "Ang cute talaga ng aso! may pangalan na ba?" si Niki. Nasa kandungan na si mikmik ngayon ni Cristine at hinahaplos siya ng mga babae. "Ah oo! loka loka nga 'tong si Shaenna, mukhang saakin pa pinangalan yan. Mikmik ba naman." tumawa sila doon. Napa ngisi lang ako. Nagpaalam si tita na babalik daw muna siya sa kusina para ihanda yung dessert. Natahimik ang lahat nang makita ang kakantahin ni Gilbert. "Going back to the corner where I first saw you Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move..." "Yun oh! naks bagay na bagay." The Gilbert who can't look at me in the eye a while ago is now singing the song without looking at the lyrics... Ngayon, parang ako naman ang hindi makatingin sa'kanya. Hinampas ko si Mika nang maramdaman ko ang kurot niya. I mouthed "Ano ba?!" but she just laughed at me. "I know it makes no sense but what else can I do How can I move on when I'm still in love with you..." "Ooh damn. That line slaps." said Blue. Pagtapos ng linyang 'yon ay nakisabay na silang lahat sa pagkkanta maliban sa'kin. Although, alam ko rin naman ang kantang 'yon but obviously that song is for me, and it's a heartbreak song! ang awkward naman non kung sabayan ko pa siya. Nagsipalak-pakan sila nang matapos si Gilbert. "Shae, ikaw? Kanta ka naman." matamis ang ngiti ni Pat habang inaabot sa'kin ang song book. Umiling ako pero kinuha ni Mika iyon at nilagay sa kandungan ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Mukhang wala naman na akong magagawa pa kaya nagsimula na akong maghanap ng kakantahin. "You say you dream of my face But you don't like me You just like the chase to be real It doesn't matter anyway You know it's just too little, too late.." "You're too late na daw, Gilbert." malaki ang ngisi ni Patricia habang pumapalakpak nang matapos ako sa pagkanta. "Happy Birthday uli Shae! Ang sarap ng luto ng tita mo! May DM ako sa'yo sa IG, nandun yung message ko for you." Ani Britt. Niyakap ako ng girls pero si Pat ang pinaka mahigpit. "Ano ba yan Pat, para namang hindi na kayo magkikita ni Shae." humalakhak si Blue, inirapan lang siya nito. Nagpaalam na sila pero naiwan si Gilbert. I bit my lips as I try to look at him. He looks serious right now. I saw him cleared his throat before starting to talk. "Happy Eighteenth, Shae." jeez this is so freakin' awkward! "Thanks." "I'm sorry, did I make you uncomfortable?, kanina?" No, but now, yes Gilbert. "Hindi, okay lang 'yon. Tayo-tayo lang naman." pilit akong ngumiti. "Alright. May darating ka pa bang bisita?" "Wala na, kayo lang naman may lakas ng loob." I chuckled. "Sige, alis na ako Shae. Happy Birthday. I wish you all the best things in life." "Salamat, Gilbert." My eyes widened when I felt his lips on my cheeks. Akala ko matatapos na don ang lahat pero medyo napatalon ako sa gulat nang hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong binawi yun dahil hindi na talaga ako komportable doon. "Now you're making me uncomfortable... for real." He gave me a wry smile after that. Pero halos maestatwa ako nang may nakita akong pamilyar na lalaki sa di kalayuan. May hawak itong medyo maliit na box at iilang pulang rosas sa kabilang kamay. He's wearing grey shirt inside and denim jacket partnered with black skinny jeans and grey rubber shoes. He's looking at me intently. I should describe his eyes as dark and dangerous. Ilang segundo siyang nakipag titigan. "Shae?" Bumalik ang atensyon ko kay Gilbert. "I think I should go now, you go back inside." I slightly nod and try to steal glance where I saw Mico. But he's already gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD