Chapter 8

1426 Words
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay. Niyaya ko si Gilbert na mag almusal kami sa isang tapsilogan malapit sa school para mapag usapan na namin yung sa offer niya sa'kin. "Shae." Napatayo siya nang makita akong dumating. Ngumiti lang ako at umupo na sa upuan sa harap niya. Pagtapos mag order ay tahimik lang kaming dalawa. Pansin ko na hindi siya makatingin sa'kin kaya kunwari'y inabala ko na lang ang sarili sa pag tingin sa paligid. Narinig kong umubo siya kaya nagkatinginan kami. Umayos siya sa pagkakaupo at parang handa na sa sasabihin kaya tinaas ko ang kilay ko. Halos tatlumpung minuto kaming nag usap ni Gilbert kaya naman medyo na late ako sa unang subject. Puwede na akong mag simula sa trabaho next week. Akala ko nga'y may kailangan pa akong ipasang requirements para sa kaniya pero dahil sila ang may ari noon ay hindi na daw kailangan. "Hey Shae, sabay tayo lunch?" Isa sa mga lalaking kaklase ko, si Lemuel. He wiggled his eyebrows, waiting for my response. Liningon ko siya at binigyan ng pekeng ngiti at umalis na. "Hi, I'm Troy!" Patuloy pa rin ako sa pagkain kahit inaabot niya sa'kin ang kamay niya for a shake hand. Nasa amin ang atensyon ng mga nandito sa cafeteria kaya medyo binilisan ko na lang ang pagkain. Mygod anong meron sa araw na 'to? Or wala lang talaga ako sa mood sumakay sa trip nila s***h makipag fling sa kanila? Nang nag angat na ako ng tingin ay ngumiti ang lalaking nasa harap ko at inabot muli ang kamay. I gave him a sweet smile, "I'm leaving." "Oh Shae? Napadayo ka dito sa building namin?" Makahulugan ang tingin sa'kin ni Sabrina. I shook my head, "May isosoli lang..." Liningon ko ang loob ng room nila napabaling din siya don. Nakita ko siya doon, may babaeng nagpapaturo sa kaniya ng kung ano sa notebook pero ang atensyon ay nasa mukha ni Mico. Humigpit ang hawak ko sa payong niya. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina, kahit lunch break. Busy pala. Nilagpasan ko si Sabrina at walang hiya hiyang pumasok nang diretso sa room nila. May narinig akong sumipol, yung iba naman ay nagulat sa biglaang pag pasok ko. Binagsak ko ang payong niya sa desk niya, doon ko lang naagaw ang atensyon nilang dalawa. "Ohh..." "Anong teleserye 'to?" Ani Brit. I look at him with poker face. His brows shot up. Napa ayos naman ng upo ang babae sa tabi niya. "Shae--" "Ayan na yung payong. Salamat sa pagpapahiram. Pero sana kinuha mo na kahapon, alam ko naman na nakita mo na 'yan." Liningon ko saglit ang babae bago tumalikod para maglakad paalis. "Hey, wait." Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa braso ko. Sa higpit pa lang ng hawak niya, halatang ayaw niya akong pakawalan. "Alam mo bang medyo masakit?" Kumunot ang noo niya don. Sinenyasan ko ang mahigpit niyang hawak kaya unti unti niya din 'yong binitawan. "May sasabihin ka ba?" "What you saw was nothing." tumawa ako nang may pang kutya doon. "Oh, I don't need an explanation. I'm just here to return your umbrella." Umayos ako sa pagkakatayo. May iilang estudyante ang nanonood sa amin. My eyes drifted to that classmate of him, the girl before who is now giving me a stern look. I raise an eyebrow and she stiffened. "Hinatayin mo 'ko." Bumalik siya sa room nila pero hindi ko sinunod ang gusto niya kaya dumiretso na ako. Alam kong maabutan niya din naman ako. Tinali ko ang mahaba kong buhok habang tinatahak ang pathwalk palabas ng school. Saktong pagkababa ko ng kamay ko ay may humawak doon kaya napatigil ako sa paglakad. "I told you to wait for me." "Who are you to make me wait? You're obviously not my boyfriend." I shrugged. Mukhang naapektuhan siya sa sinabi ko kaya humigpit ang hawak niya. "Why? Are you willing to be my girlfriend?" My breath caught. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "W-What? Are you asking me to be your girlfriend?" Nakakunot ang noo ko habang siya ay mukhang natutuwa sa naging reaksyon ko. What the hell? "Well, I'm asking if you're willing..." Lumapit siya. "Are you?" "Well, I'm sorry to say this but I am not interested in whatever you offer to me.... boy." He chuckled. Halatang naasar ng konti sa huli kong sinabi. "Damn, do I look like a boy to you Shae? Hmm?" Muli siyang lumapit parang nanlalambot na ang tuhod ko. No! Hindi ako puwedeng manlambot sa simpleng ginagawa niya. Taas noo ko siyang tiningnan habang nakataas ang isang kilay. "Yes." The side of his lips rose up. Goddammit! "Boy, was I wrong?" Kahit naaapektuhan ako ay hindi ko ipapakita sa kaniya 'yon! "Yes, Shae. You are wrong..... so wrong." I don't know how but his voice became husky! What the heck?! Hinablot ko ang kamay ko sa kaniya at umatras. He smirk. Fuck you. "No I am not. Wala kang magagawa kung BOY ang tingin ko sa'yo. Ano? Bakit, na-offend ka ba dun?" "If kiss you here and then call you 'ate' right after, mao-offend ka ba dun?" Nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Ano raw??? He'll kiss me and call me 'ate' right after??? Gago ba siya? "Alam mo, walang kuwenta na ang usapan na 'to. Uuwi na ako." Asshole. Bakit naman napasok ang kiss sa usapan? Did he think that if he kiss me it will make me see him as a man? At saka biro lang naman na BOY ang tingin ko sa kaniya. A boy will never make an effect to me. Baka ako pa ang magpangatog sa kanila. Lol, just kidding. Umirap ako at tumalikod na nang bigla siyang nagmadaling harangan ako. "What now?" Iritado ko siyang tiningnan. "Why are you so grumpy today?" I rolled my eyes. Mukha mo grumpy! Hmp! "All thanks to you." I plastered a fake smile. "Ako? Bakit naman ako?" Tumawa siya don. "Dahil ba sa sinabi ko?" Ngayon ay nakangiti na siya at naasar ako! "Bobo ka ba? Are you expecting me to be happy after what you have just said?" Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at nagbuga ng malalim na paghinga. "Ikaw naman ang nauna. Pero mukhang kanina ka pa talaga bad mood, ang lakas nga ng compulsion ng pagbagsak mo ng payong ko kanina eh. Halatang sinadya." Muli siyang ngumisi. Ewan ko pero naaasar ako sa tono ng pananalita niya. "What are you trying to say? That I became grumpy and jealous because I saw you with your 5'2 girl classmate?" He barks out a laugh. Now I'm even more pissed. "Putcha." Hindi siya matigil sa pag tawa. "5'2??? Nasukat mo 'yon?" Muli siyang tumawa. Eh kung baliin ko kaya leeg neto. Nakaka bwisit! "Pake mo ba? I'm 5'6, I j-just know." Tantiya ko lang naman, ang lakas pa akong tingnan kanina nang masama... pandak naman. Halatang nagpipigil siya ng tawa. I groaned before pushing him to the side. Hindi pa rin talag ako tinigilan ng mokong, sinusundan ako hanggang pag labas. "Ano ba? Uuwi na ako!" "Hatid na kita." Ngayon ay seryoso na siya. Ugh! Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na maglakad. Huminto siya nang nasa harap na kami ng bahay. Tiningnan ko siya nang masama. "Kung bumawi ka lang dahil sa pang aasar mo kanina, salamat. Please, huli na 'yon." Seryoso lang siya nakatingin sa'kin. Kung hindi ko lang siya nakilala, malamang ang tingin ko sa kaniya ay isang taga dito lang din sa Maynila. "Bawal na kita ihatid?" "Bakit? Dapat mo ba akong ihatid araw-araw?" I crossed my arms. "Ganon naman talaga dapat kapag nangliligaw diba?" "Huh? Sino nagsabing puwede kang manligaw?" "Shae, hindi na tinatanong 'yun. Kahit naman humindi ka 'di naman ako hihinto. Hindi ganon yun." Well, at least inform me??? "I don't do serious relationship, Mico." Ngumiti siya. "Give it a try, Shae. Maybe we'll work out." Nagulat ako sa pagiging direkto niya. "We're not." Binuksan ko ang pinto at handa nang isara nang pinigilan niya. "Paano mo naman nalaman? Try me, Shae." "Oh I don't need to, Mico. Alam na alam ko na ang kahahantungan ng lahat. Sige, sabihin na nating nag work nga tayo, nagpakasal. But who knows what will happen after marriage?" Iyon ang katotohanang kinatatakutan ko kaya nagpapanggap ako sa katauhang mapaglaro ng puso ng mga lalaki. Paano kung maulit sa akin ang nangyari kay Mama? Ganon naman kasi palagi, ipaparamdam niya sa'yong kontento na siya sa'yo o sainyo. Pero ang totoo, hindi ka sapat. "We'll find that out together. Give me a chance, Shaenna." --------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD