Chapter 7

1722 Words
Hindi na nagpaparamdam si Martin. Ang galing talaga ng mga lalaki. Sana hindi na lang siya nagbigay ng motibo. My birthday is on thursday, kakauwi lang ni tita at sabi niya'y pupunta siya dito sa birthday ko para maipagluto ako ng handa. Sa buong walong taon, si tita lang at Mika ang gabay ko sa buhay. Naalala ko pa noong nandoon ako nakatira kina tita, galit na galit sa'kin ang asawa niya, si tito Robert. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng turing niya sa'kin, palagi niyang pinapamukha na malaki akong pabigat sa kanila ni tita, alam kong ayaw din sa'kin ng dalawa kong pinsan sina Julia at Jericho. Pero kahit ganon, hindi naman nila ako minaltrato. Si tito lang talaga ang palagi akong sinasabihan ng masasakit na salita. Napa tigil ako sa pag-kain ng ramen nang maalala ang offer ni Gilbert na trabaho. Kakausapin ko na lang siya sa lunes tungkol don, paubos na ang pera na naipon ko. Nagbenta ako ng mga kung anu-anong gamit at damit ko online noong kakalipat ko pa lang dito kaya may naitabi akong kakaunting pera. Iniipon ko din ang binibigay sa'king allowance ni tita. Masyadong mabait si tita at nagpapasalamat ako doon. Retired seaman si tito, hindi ko alam kung ano na ang pinagkakaabalahan niya ngayon dahil 'di ko naman siya tinatanong pa kay tita. Si tita ay high school teacher at ang mga anak nila ay graduating college student. Binagsak ko ang sarili sa kama. Wala na naman akong gagawin bukas. Naubos ang oras ko kakaisip kung ano ang puwede kong gawin bukas dahil nabubulok na ako sa bahay kahit na kakagaling ko lang sa party kagabi. Napabalikwas ako nang tumunog ang selpon ko. "Mico?" Tama nga ako, si Mico ang nag text. Miko: Hi. :) Naupo ako sa kama at nagtipa ng irereply. "Hmmm..." Hindi ko na siya na text kagabi pagkauwi dahil sa pinaghalong pagod at pagkalasing. Napangiti ako sa naisip. Ako: Hi! Free ka tom? :))) Mabilis siyang nag reply doon! Mico: May trabaho ako bukas. Nawala ang ngisi ko sa mukha. Hmp. Ano ba yan! Eh kung tanongin ko kaya siya san siya nagtatrabaho? Baka puwede niya akong maipasok! Mico: Pero makakauwi din naman ako nang medyo maaga. 4:30? Is that fine with you? Ako: 4:30, then! Mico: See you. :) Hindi na ako nag reply pa at nahiga na lang uli. Natulog akong nakangiti sa gabing iyon. Maaga naman akong nagising kinabukasan. Nag work out ako at pagtapos ay namili ng isusuot mamaya. Kumain muna ako nang kaunti bago naligo. Nag lagay ako ng makeup, samantalang hinayaan ko naman na nakalugay ang buhok. I wear a gray spaghetti strap tank top, high waist jeans, and sandals. Nagsuot din ako ng necklace at earrings. Kinuha ko ang purse at handa nang ilagay ang cell phone nang maalalang hindi ko nga pala alam saan kami magkikita! Hindi niya din naman alam ang bahay ko. I tried to call him but he seems busy. Hindi kaya in-scam niya lang ako? But, he's not that kind of guy. Naupo muna ako sa sofa at naghintay kung tatawag siya pabalik. Tumunog ang phone ko kaya agad kong chineck iyon. Halos mapatayo ako nang makita ang text ni Mico. Mico: I'm outside. :) "What the f**k?!" Mabilis kong binuksan ang pintuan at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siyang nakatayo doon, ang isang kamay ay may hawak na isang box ng pizza at ang kabila nama'y plastic na sa palagay ko'y ice cream ang nandon. "H-How did you know my address?" napanis ang ngiti niya at napakamot sa batok. His wearing a plain black shirt, a pair of denim jeans, puting rubber at silver dogtag. Kumurap kurap pa ako at hinihintay ang sagot niya, "S-Sige, pumasok ka muna." "Natakot ba kita?" Halata ang pag a-alala sa tono ng boses niya. "Hindi naman." I replied quickly. Nilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa sa tapat ng sofa. Naupo ako samantalang nanatili naman siyang nakatayo at nakatingin sa dala niya. Tinanggal ko na lang tuloy ang suot kong sandals. Pinapanood niya lang ako. Jesus! This is so awkward! This is the second time na magpapapasok ako ng lalaki dito nang wala man lang kamuwang muwang ang tita ko! Jusme, Lord please forgive me for I have sinned. Bakit ko nga ba siya pinapasok?! "Uh, kung gusto mo sa labas na lang tayo kumain? Sa'yo na lang--" "Huh? Hindi, okay lang buang!" Pumeke ako ng tawa. D*mn did I think aloud? O mind reader lang talaga 'tong lalaking 'to? "Maupo ka nga." Agad niya namang sinunod 'yon. Tumayo ako para humanap ng cd na puwede naming panoorin. "Sorry. Hindi ako nagsabi, palagay ko natakot kita." Hindi ko siya nilingon pero huminto ako sa paghahanap. "It's no big deal, Mico." Kinagat ko ang pang ibabang labi saka nagpatuloy sa paghahanap. "Sinundan ko kayo nung boyfriend mo." Napalingon ako don. I arched my eyebrow, "Boyfriend?" I saw him licked his lips before nodding slowly. "Wala nga--" napatigil din agad ako doon nang ma realize kung sino ang tinutukoy niya. He tilted his head and gave me an amused look. Humalukipkip ako, "Well, he's not my boyfriend. Hinahatid niya lang ako. Saka, teka nga, ba't mo naman kami sinundan? Are you stalking us? Or.... just me?" He shook his head. "Kilala ko siya." Simpleng sagot niya, humalukipkip din siya at sumandal sa sofa. "He has a girlfriend." "Hindi nga k--" "And I'm not referring to you, he has another one." Naestatwa ako sa sinabi niya. What?! Totoo ba 'yon? "At bakit naman ako maniniwala sa'yo? Pinag t-tripan mo na naman ba ako?" Napatayo ako roon. Nanatili siyang nakaupo at kalmadong kalmado. "Well, I guess it's for you to find out, Ms. Velasquez. I'm just being concerned here. Gusto mo bang maging....?" Hindi niya tinuloy ang dulo kaya kumunot ang noo ko. "And why are you concerned about me? Huh? Mr. Tabarez? Why are you stalking me?" Ngumisi ako. "Saka paano mo naman nasabing may girlfriend si Martin? Why is he flirting with me if he already has one?" Dagdag ko pa. Umayos siya sa pagkakaupo at pinatong ang dalawang braso sa hita. "Yan ang hindi ko alam." "Tingnan mo! Wala ka naman palang alam tapos aakusahan mo siyang may girlfriend." Pero paano nga kaya kung nagsasabi ang kupal na 'to nang totoo? "Classmate ko ang kapatid niya." Nanlaki ang mata ko don... Sino?? Parang narinig niya na naman ang nasa isip ko, "si Pat." My jaw dropped. "No, susunduin ko sana yung kapatid ko. Her name's Patricia. Do you know her?" Mother father ka Shae! Ang bobo mo! Bakit 'di ko naisip yun?! Nakausap ko pa saglit si Pat sa party! Omygod. Narinig ko ang mahinang tawa ni Mico kaya binato ko sa kaniya yung cd na hawak ko pero naka ilag siya. "Letse. Mamili ka diyan ng papanoorin na'tin, kukuha lang ako inumin." "Putcha, 'wag kang lalapit! Shet!" Tinakpan ko ang mata ko. Paubos na ang pizza, kaya yung ice cream na medyo tunaw na ang pinagdidiskitahan ni Mico. Horror ang napili niya. Sus! Feeling matapang pa siya nakikita ko naman na pinipikit niya din ang mata niya kapag may something scary na lalabas. I immediately scooted away from him when I felt his elbow touched my arms. "Ang boploks talaga ng mga nasa horror movie, alam na nilang may something lalapitan talaga nila." Inis akong kumagat sa huling slice ng pizza. "Edi sana ikaw nag direk." Hinampas ko siya dahil don. Nang matapos namin ang movie ay tinulungan niya akong magligpit madilim na sa labas nang matapos. "Hoy" tawag ko sa kaniya habang naghuhugas ng baso. Nagpupunas siya ng lamesa, bigla naman siyang napalingon nang tinawag ko. "So bakit mo nga kami sinundan? Ayun ba yung nakita kita nung nakaraan? Umuulan nun ah?" Nang muli akong lumingon ay ang lapit niya na sa'kin kaya napatalon ako nang konti sa gulat. "Yeah, I just think that... you don't deserve-" "To be the third party?" Tumango siya. "Why do you think so?" Nag punas ako ng kamay at humarap sa kaniya. "Because, you deserve someone who will treat you as his only one, someone who is sure of you." He cleared his throat. "Every woman deserves that kind of someone." Dagdag niya pa. I nodded, "I mostly agree with what you said." I remain calm even though I felt my stomach clenched, affected by how serious his eyes. "You're finally turning 18 this week, right? May I know the exact date?" Nakasunod siya sa'kin pabalik sa sala. "August 13 po, sir." Pabiro kong sagot bago inayos ang sofa. "Noted, ma'am. Alright, I think I should go. Are you fine here alone?" Ngumiti ako at liningon siya nang matapos. "Yes." Tipid kong sagot. "Salamat sa food.... and uh, sa time na rin." and sa concern. But of course I didn't said that! Nakita kong may tinitingnan siya pero agad din naman siyang tumingin sa'kin para ngumiti. "Wala yon. Sige na, mauna na ako." Hinatid ko siya sa pinto. "Ingat." Ngiti lang uli ang sinagot niya sa'kin at umalis na. Nang makaalis ay saka ko lang napagtantong di man lang kami nakapag usap ng seryoso, hindi ko pa din nak-kuwento ang buhay ko kahit sabi ko noon na mag k-kuwento ako sa kaniya. Oh well, there's always next time naman. Naupo ako sa sofa at nag scroll sa i********:. I posted a selfie on my story before I decided to take a shower. Chineck ko agad ang phone ko nang matapos ako sa ginawa, may mga nag react sa story ko at nag reply pero sineen ko lang. Puro mga naka fling ko lang naman, hineart ko yung reply ni Patricia na "Kahit kailan, ang ganda talaga." Natawa na lang ako nang maisip ko na naman ang katangahan. Nakalimutan kong may kilala akong Patricia? Mygod. Nanonood ako ng tv nang tumunog ang phone ko. Text galing kay Mico. Mico: You forgot something. Agad akong nagtipa Ako: Huh? Ano? Mico: Yung payong ko. You still haven't given it back. Ako: Ohh, oo nga. Sorry! Sige, I'll give it back to you tomorrow. Mico: Okay. :) Nilibot ko ang tingin ko at natagpuan ang payong sa gilid ng patungan ng tv. Wait... 'yon yung tinitingnan niya kanina! OKAY MICO, OKAY. He already saw it pero hindi niya pa kinuha. Okay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD