SELENA "AKO ang lulutas sa problema kong ito, Selena. Sa akin may atraso si Issa kaya ako lang ang maniningil sa kaniya. Ako lang ang may karapatang humusga sa kaniya. Ako lang ang magpapataw ng gusto kong parusa. Do not dare interfere. Ako ang bahala sa kaniya," mahaba at puno ng konbiksyong wika ni Xavier. Kararating lang nila ni Issa at agad kaming nag-usap. Ipinabasa ko na sa kaniya ang sulat na iniwan ni Issa. Hindi ko mabasa kung galit, frustration o awa ang emosyong nararamdaman niya habang binabasa iyon. "Naaawa ako kay Issa," nagtatalo ang damdaming pahayag ko. I wanted to set her free pero alam kong hindi iyon hahayaan ni Xavi. Ngayong "natuklasan'' ko na ang lihim nila ay wala nang nagawa si Xavi kung hindi isiwalat na nga ang totoo. So Issa really tried to escape. Nasa pier

