SELENA At lalo akong nakombinsi na may maganda na ngang namamagitan kina Xavi at Issa nang malaman kong isang linggong magbabakasyon ang mga ito. Xavi told me na nakiusap si Issa na kung maaari ay makauwi si Issa sa probinsya nito. She begged him for she really longed to see her family. Pinagbigyan ito ng aking kakambal and they were gone for a week. Kasabay niyon ay nagbakasyon din sina mommy at daddy kina Lola sa America. Iginugol naman namin ni Frank sa pag-aasikaso para sa nalalabi naming kasal ang mga araw na magkasama kami. Gusto naming maging maagap sa pagpe-prepara para wala kaming makaligtaan at hindi magahol sa oras. Puspusan ang ginagawa naming paghahanda. Up until now, hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na malapit na akong ikasal. Hindi ba masyado kaming mabilis ni Fran

