SELENA "WOW!" Hindi ko napigilang mapabulalas ng paghanga when finally we arrived at the resort. It was located in the eastern part of Calatagan kung saan hindi pa masyadong sibilisado ang lugar. Alagang-alaga ang buong lupain ng mga iba't ibang uri ng pananim na nadaanan namin ng sasakyan ni Frank. Preserved na preserved ang mga naglalakihang puno na sa palagay ko ay hundred years old na ang mga edad. "I wish napanatili rin naming ganito ka-productive ang mansyon nina Lola sa Ilocos," hindi ko pa naiwasang sabihin nang maalalang bigla ang napabayaang mansyon. It was once like this before, iyon ang madalas ikuwento nina Lola Bielle at Lolo Robert noong maabautan pa namin ang mga ito. Kaya lang, as they aged at dahil na rin nag-iisa ang anak nila at babae pa, hindi na nila tuluyang naasi

