FRANK "WHAT?!" biglang naibulalas ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela at gigil na nilakasan ang volume ng cellphone. Baka masyado lang mahina kaya iba ang pagkakaintindi ko sa narinig. "Let's postpone it. Saka na lang. Siguro after mga three months." Ngunit tila hindi nga ako nagkakamali, she just repeated what she said. "Are you out of your mind?" Gigil na gigil na ako. Sinubukan kong pahupain ang inis sa pamamagitan ng sunud-sunod na paghinga nang malalim. Buti na lang at traffic nang mga sandaling 'yon at wala akong pagkakataong mapalipad sa sobrang tulin ng pagpapatakbo ang sasakyan. Baka sa sobrang pagmamadali ko ay malimutan kong gumamit ng preno. Baka imbes na sa pakay ako makarating ay sa langit ang kabagsakan ko. Nga lang hindi ako makakarating agad kay Selena. Nang mga o

