SELENA "KINAKABAHAN ako," makailang ulit nang sabi ko kay Frank. Kapapasok lang namin sa gate ng mansyon at kapa-park niya lang ng sasakyan Kanina pa ako hindi mapakali habang nasa biyahe kami. Sunud-sunod na buntong-hininga ang aking pinakakawalan. Hindi talaga papayag si Frank na hindi matutuloy ang plano. Hindi siya umalis ng kuwarto ko hangga't hindi ako nakakapaggayak. He only gave me two choices that night. Kaming dalawa ang pupunta sa kanila o and daddy at si Lindsay ang papupuntahin namin sa bahay. Ni hindi man lang siya nabahala sa mga agam-agam ko. He said, it was now or never. "Just relax and go with the flow. Magpakatotoo ka lang sa sarili mo. Nandito naman ako. I am here to defend you." As if nasa isang paghuhukom kami at siya ang abogado ko. Napakaguwapo namang abogado ni

