SELENA "MAGANDA ba?" tanong ni Xavier. Napasunod ako ng tingin sa gawing itinuturo ng nguso niya. Nang makita ang tinutukoy niya ay patabingi akong ngumiti. "Maganda, pero mas maganda ako," proud na proud na papuri ko sa sarili. "Duh! Hindi ko alam 'yon ah. Buti ka pa, alam mo," aniyang tumatawa. Tumaas ang isang braso ko mula sa likuran niya at sinabunutan ang kanyang buhok. "Ouch!" napapangiwing sigaw ni Xavi. Hinawakan niya ang kamay ko na pilit na inaalis sa pagkakasabunot sa kaniyang buhok. Ngunit hindi siya nagtagumpay. "Oo na, suko na ako. Tama na. Oo na, mas maganda ka na. Aray!" "Good." He could never lay a hand on me. Kahit pitikin ang ilong ko ay never pang nagawa sa akin ni Xavi. Between us two, ako ang palaging dominante. Ganoon niya ako kamahal bilang kakambal. He respec

