SELENA MASAKIT ang ulo ko nang gumising kinabukasan. I had a lot of drinks last night at halos tulog na ako sa sasakyan nang bumibiyahe kami pauwi ni Xavi. Sa kaniya ako sumabay ng uwi kagabi instead na kay Riggs para hindi maabala sa pag-uwi ang huli. Pumayag naman ito dahil si Xavi naman ang kasama ko. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko. It was past twelve noon already. Kahit antok na antok pa ay pinilit kong bumangon. Nag-inat-inat pa muna ako bago pumasok ng banyo. Binuksan ko ang faucets sa tub at nang matiyak na ayos na ang timpla niyon ay saka ako lumusong. I stayed there for thirty minutes bago ako tuluyang nag-shower. "Susunduin namin ng daddy mo ang Lolo at Lola n'yo sa Davao. Pati ang tito at tita ninyo," sabi sa akin ni Mommy nang bumaba na ako. Naabutan ko si Mommy na kuma

