SELENA I drove away. Hindi ko alam kung saan ang dereksyong tinatahak ko, basta ang tanging nais ko lang ay mailayo ang sarili ko roon. Ang luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak ay parang ulang umagos sa aking mukha. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at habang tumatagal ay mas bumiibilis ang pagpapatakbo. As if ay literal kong matatakasan ang sakit at galit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. Maggagabi na at unti-unti nang kumakalat ang dilim. Pakiramdam ko, ganoon din ang bumabalot sa puso ko at pagkatao ko. I loved Riggs. Kahit madalas kaming magkatampuhan at medyo complicated na ang relasyon namin, alam ko sa sarili kong minahal ko ito. Hindi kami tatagal ng isang taon kung laro-laro lang sa akin ang lahat. I was trying to save my best for him. Because I thought he was

