Chapter 19

1461 Words

SELENA MATAAS ang lugar na napuntahan kong 'yon. Sa ibaba niyon ay tanaw ang liwanag na nagmumula sa Metro Manila. Umihip ang panggabing hangin at nanuot ang lamig sa aking katawan. Buong-buo kong nilanghap iyon at nagpakawala ng malalim na hininga. Ipinatong ko ang kamay sa bakod na gawa sa bakal habang binubuksan ang hawak na canned beer. Ayoko sa masyadong mataong lugar, ayoko sa maingay, gusto kong malayang makapag-isip-isip ng mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Gusto kong umiyak mag-isa. Sa lugar na 'yon, tiyak na wala namang nakakakilala sa akin. Malaya kong magagawa ang gusto ko. "Damn you! Mga hayop kayong dalawa. Hinding-hindi ko mapapalampas itong ginawa niyo," paulit-ulit na usal ko sa hangin habang nasa gunita ang mga nakita. Gusto ko silang magdusa. Maghihiganti ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD