SELENA WALA akong magawa kung hindi pagmasdan na lang si Xavi habang may pagmamadaling bumababa ng hagdan. May dala siyang maleta. Ilang araw na ang nakalipas mula nang umuwi siya mula sa Quezon Province. Dapat akong magbunyi dahil hindi niya kasama si Lianna, dahil ibig sabihin ay sinunod nito ang sinabi ko, ngunit hindi ko magawang magsaya. Pagdating niya kasi rito ay naglasing siya at nagwala pa sa kaniyang silid. At hindi lang niya isang beses iyon ginawa kung hindi halos araw-araw at gabi-gabi. Unti-unti na akong kinakabahan sa mga inaasal niya nitong mga nagdaang araw. Madalas ko siyang nakikita sa balcony ng kaniyang silid at may kausap sa phone. Ayaw ko mang isipin but I think he was already making his way to find the woman. At malakas ang aking kutob na ang sakay ng itim na k

