MARA'S POV
Hanggang sa makababa ako papuntang kusina ay ramdam ko parin ang pag iinit ng aking pisngi at batok.
Oo! Pati batok ko nag iinit din. Grabe naman kasi yung nakita ko! Buti nga at hindi ako natuod eh. Hindi mawala mawala ang imahe ng alaga ni sir sa aking utak.
"Diyos ko Lord! Sorry po, sorry. Nagiging makasalanan ako neto eh!" bulong bulong ko pa habang nakasabunot sa aking buhok.
Ilang minuto pa akong ganoon bago tuluyang nabalik sa tamang pag iisip at nagsimulang ihanda ang sangkap sa lulutuing sinigang.
Infairness sa ref nila sir, mukhang magic ref siya dahil lahat ng kailangang sangkap ay nandoon. Pati mga gulay at lalo na iyong baboy.
Inuna kong i defrose ang baboy dahil isang decada na yata iyon sa ref sa sobrang tigas. Parang bato na eh. Hinayaan ko muna iyong mababad sa tubig habang nililinis ko din ang mga gulay na isasahog sa sinigang. Pagkatapos kong hugasan iyon ay agad akong magsimulang hiwa hiwain iyon sa gusto kong laki.
Sanay ako sa mga gawaing bahay. Siyempre, sinanay ako ng nanay ko doon sa probinsiya kahit bata palang ako. Doon kasi sa amin ay kapag hindi ka marunong gumawa ng gawiang bahay ay tamad agad ang bansag sayo.
"Hmmm... Hmmhmm... All I want for Christmas is youuuu!" mahina kong pagkanta para naman Hindi ako mabagot dito.
Habang naghihintay sa aking niluto ay chineck ko din kung may kanina pa ba sila sir at nang makita kong wala na ay agad akong nagsaing din sa high tech nilang rice cooker.
Nakakamangha nga eh. Naglagay lang ako ng apat na cup ng rice, automatic na siyang nagkaroon ng eksaktong tubig. Ayos! Para saktong sakto talaga ang pagkakaluto ng kanina.
Hayss... Iba talaga kapag may pera eh no? Lahat mararansan mo. Samantalang kami, kailangan pang idutdot ang daliri para sukatin ang tubig para hindi sumubra o kumulang.
Chineck ko ulit ang nilulutong sinigang nang makitang kumukulo na iyon nang makarinig ako ng biglang doorbell mula sa labas. Dali dali kong inilapag ang sandok at nagtungo sa pintuan.
Naku! Baka may bisita si sir, maulan pa naman at malakas ang hangin sa labas!
Agad kong binuksan ang main door at bumungad sa akin ang nilalamig at nanginginig na lalaki. Basang basa siya!
"Hala! Sino ka?!"
Sabay naming tanong sa isa't isa. Dinuro niya pa ako. Nagkatinginan kami pero ikiniling ko ang aking ulo dahil naaawa ako sa kalagayan niya.
"May balak ho ba kayong pumasok o wala? Kasi kung wala isasara ko na to, malamig eh—"
"Bakit may babae sa bahay ng kumag na yun? Sino ka? Girlfriend ka ni Logan?" usisa nito habang papasok ng bahay. Napaismid ako sa mga tanong niya.
"Kalalaking tao, chismoso." bulong ko.
"Uy! Uy! Narinig ko yun! Hindi ba pwedeng curious lang ang tao? Teka nasaan si Logan? Si Ambrose? s**t! Ang lamig kailangan ko nang magbihi—"
"What the hell are you doing here asshole?!" Umalingawngaw ang boses ni sir Logan sa loob ng kabahayan. Napatingin ako sa direksyon niya. Buhat buhat niya ang bagong ligo na si Ambrose habang nasa hagdan sila pababa.
"Grabeng bungad naman to oh! Hindi ba ako welcome dito?" Tunog nagtatampo na wika ng bisitang lalaki. Kinabahan tuloy ako.
Ako ang nagpapasok sa lalaking iyon eh. Paano nalang kung hindi siya ka close ni sir Logan? Nakuu! Mukhang galit pa man din ang dragon.
"Ninong S!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Ambrose nang mamukhaan ang lalaki.
Ay ninong naman pala!
"Hello, baby. Yung daddy mo oh, galit na naman." sumbong niya pa. Nagpatuloy na sa pagbaba sa hagdan si sir Logan habang salubong ang kilay na nakatingin sa kaniyang bisitang basang basa padin.
Napatuwid ako ng tayo nang bigla siyang tumingin sa akin.
"What are you doing here?" ulit niyang tanong ng makalapit sa lalaki.
"Mamaya na yan pwede? Nilalamig na ako dito oh." walang pakealam na saad ng lalaki.
Ahh, mukhang close naman sila kasi ganun magsalita ang lalaki. Nakahinga na ako ng maluwag.
"Fine. Go and make yourself dry. Nagkakalat ka sa pamamahay ko, gago." inis na wika ni sir Logan. Mabilis namang tumakbo ang lalaki papuntang guest room samantalang matalim akong tiningnan ni sir Logan.
"Hindi ka dapat nagpapapasok nang kung sino sino lang." umiigting ang panga niyang wika. Napalunok ako at yumuko.
"Sorry sir. Nakakaawa kasi siya. Basang basa at nilalamig kaya—"
"I don't care. This is not your house. You should've tell me first." masungit niya paring saad.
"Sorry sir. Hindi na ho mauulit." Sambit ko kasi tama naman siya. Bakit ko kasi pinapasok agad!
"Daddy don't be mad at my teacher, please.." rinig kong bulong ni Ambrose sa kaniya. Tipid akong napangiti.
Ang bait talaga ng batang iyon.
"Ang niluluto mo?" tanong niya. Doon ko lang biglang naalala ang niluluto ko kaya dali dali akong tumakbo papuntang kusina. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil baka nasusunog na iyon pero pagdating ko ay nakapatay na ang kalan, pati na rin ang rice cooker.
"Huh? Sinong nagpatay ng kalan?" Wala sa sarili kong tanong habang habol ang hininga. Mabilis kong nilapitan at chineck ang niluluto. Luto na pala iyon! Tinikman ko at sakto naman sa aking panlasa.
Masarap naman siya para sa akin. Ewan ko lang kay sir Logan kasi maarte pa naman iyon! Nilapitan ko din ang rice cooker at nakitang luto na din ang kanin.
"Ayos multo dito ah, may kwenta din pala." natatawa kong wika.
"Tsk. Idiot. It's high tech. Automatic iyang nagpapower off kapag na detect na luto na ang niluluto mo." biglang saad ni sir Logan na nasa b****a ng pintuan sa kusina.
Wala si Ambrose sa kaniyang tabi. Siguro iniwan niya sa sala ang bata.
"Ahh, hehe. Sorry naman sir, wala naman kasing ganito sa amin eh." nahihiya kong pahayag.
Maka idiot naman kasi siya agad wagas! Harsh talaga ng tao na to hmp!
"Maghahain na po ba ako?" taka kong tanong.
"No, maya maya na. May bisita pa ako." Masungit niyang sagot kaya napatango ako.
"Ahh, okay po." Tugon ko naman. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil mukhang may sasabihin pa siya. Nakatayo lang kasi siya doon sa hamba ng pintuan eh.
"Sir? May iuutos paba kayo?" hindi ko na natiis at nagtanong na ako.
Umayos siya ng tayo at namulsa.
"Kung hindi titila ang ulan, you can occupy the guest room in the left for the mean time." Seryoso niyang usal na ikinagulat ko.
"Wehhh? Totoo yan?" nakangiti kong wika. Inirapan niya lang ako at tinalikuran na.
"Thank you sir!" Natatawa kong pahabol sa kaniya.
Ayos! Akala ko pa naman papauwiin niya talaga ako ganitong sobrang lakas ng ulan at hangin sa labas eh.
May pagka thoughtful din naman pala itong si sir Logan eh. Pero slight lang.
Lumabas muna ako ng kusina at nagtungo sa sinasabing guest room ni sir Logan. Nasa second floor ng bahay kasi lahat ng kwarto eh. Pinaka gitna ang master's bedroom kung saan sila sir Logan at si Ambrose. Habang may apat na guests rooms. Dalawa sa kaliwa, dalawa din sa kanan.
Ang sabi ni sir kaliwa. Siguro pipili nalang ako diba?
Pinili ko ang nasa pinakahuling kwarto. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero bumukas na agad iyon at nakaharap ko ang lalaking basang basa kanina.
"Oh, hey! Bakit?" Nakangiti niyang tanong.
Napangiwi ako nang mapagtantong dito siya naka occupy.
"Wala, akala ko walang mag ooccupy sa kwartong ito." sagot ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Hmm.. alam mo, napag isip isip ko na hindi ka niya girlfriend. Kasi... Uhmm well hindi ikaw ang type niya eh." Wika ng lalaki sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Napairap ako at tinalikuran na siya.
"Hey, hey.. teka naoffend ba kita? Sorry about that. Pero kasi—"
"Hindi niya ho ako girlfriend. Bagong nanny ako ni Ambrose and I'm his tutor too. Okay na ba? May tanong kapa ba?" Inis kong sambit pagkaharap sa kaniya.
Tila nagulat siya sa pagkakasabi ko pero napangiti din naman na parang tanga.
Ang weird din ng isang to eh! Sabagay, mukhang magka edad sila ni sir Logan at magkaibigan din sila kaya hindi nagkakalayo ang humor at pag iisip nila. Pero mukhang mas malakas ang tama sa ulo ng isang to eh.
"I'm Sancho, anong pangalan mo pala?" nakangiti niyang pahayag sabay lahad ng kamay niya.
Magsasalita na sana ako kaso biglang sumingit ang masungit na boses ni sir Logan.
"Stop flirting inside my house. Sancho may pag uusapan pa tayo." pahayag ni sir Logan kaya napalingon ako sa kaniya.
Mariin siyang nakatitig sa akin na tila ba ako ang sinasabihan niya ng stop flirting. Eh hindi naman ako nang fiflirt eh!
Napayuko nalang ako at pinihit ang siradura ng guest room at tahimik na pumasok. Since occupied na ang last na kwarto dito sa kaliwa, ang kasunod nalang ng master's bedroom ang pinasok ko.