Chapter 8

1507 Words
MARA'S POV Nakahilata lang ako sa kama at dinadama ang lambot nito. Ang sarap talaga maging mayaman no? Ang lambot ng higaan, ang bango ng buong kwarto at malamig pa kasi may aircon din. "Hayss!" Paghinga ko ng malalim at nagpagulong gulong sa malambot na kama. Nag iimagine na ako sa kung anong pwede kong gawin kapag yumaman na ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong napabalikwas at patakbong tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay agad na bumungad ang masungit na mukha ni sir Logan sa akin. "Huwag mong sabihing kinakausap mo na naman ang sarili mo diyan?" taas kilay niyang tanong. Napanguso ako at agad na umiling iling. "Hindi sir ah! Anong sadya niyo pala? May iuutos kayo sir?" taka kong tanong. Ibubuka niya na sana ang bibig pero bigla akong nag salita. "Aba! Mahiya naman kayo sir, hindi niyo ako maid dito ah, kita mo naman nasa guest room ako." mayabang kong saad. Kitang kita ko ang pagsasalubong nang mga kilay niya. Nagtiim ang bagang niya at umigting ang panga kaya bigla akong kinabahan. "Hehe joke lang sir, ikaw naman masyadong seryoso! Nakuu kaya ka tumatanda agad eh." Kabado kong bawi sa sinasabi ko. "Tsk. Ikaw naman puro kalokohan. Ganiyan ba ang kabataan ngayon?" inis niyang saad kaya napanguso ako. "Hindi naman si—" "Cut it, maghain kana, magdidinner na kami." pagputol niya sa sinasabi ko at agad akong tinalikuran. "Kayo lang sir? Di ako kasama?" pahabol kong tanong at sumunod sa kaniya. Hindi man lang ako sinagot! Grabe ma attitude talaga si sir kahit kelan eh! "Pagkababa namin ay agad kaming dumeritso sa kusina at naabutan sina Ambrose at ang lalaking tinawag niyang ninong kanina na naghahand restling. "Ouchh! Grabe ang angas mo baby Ambrose! Ang lakas wow!" bulalas ng lalaki dahil kunwari natalo siya sa hand restling nila. Mahina akong natawa dahil tuwang tuwa si Ambrose sa pang uuto ng ninong niya. "I'm a big boy na kasi, ninong." sagot ni Ambrose sabay tingin sa amin. "Teacher! Teacher! My ninong lost and I won! I'm a big boy!" magiliw niyang sumbong sa akin. "Wow! Congratulations baby, ang galing mo naman!" maliit na boses kong sambit at mahinang kinurot ang pisngi niya. Mabilis kong tinanggal ang mga kamay sa pisngi ng bata nang makitang masama ang tingin ni sir Logan sa akin. Dumiretso na lang ako sa mga cabinets para kumuha ng lalagyan ng kanin. "Teacher mo talaga yan, baby Ambrose?" rinig kong bulong ng lalaki kay Ambrose. Tumaas ang kaliwang kilay ko at pasimple silang sinilip. Wow ah! Nagmumukha tuloy akong katulong dito. Nakaupo na silang tatlo sa hapag habang ako eto, nakatayo at naghahain para sa kanila. Hmp! Prente pang nakaupo si sir Logan at mukhang bagot na bagot na. Lihim nalang akong umirap at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Yes po, ninong S. She's pretty right?" magiliw na sagot ng bata. Pansin ko ang pagngiwi ng lalaki habang nakatingin sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay pinanlisikan ko siya ng mata kaya biglang nag iwas siya ng tingin. "Well, as you know baby. Iba iba naman tayo ng description ng pretty or beautiful." sagot nung lalaki. Pilit kong iniisip kung anong pangalan niya pero hindi ko talaga maalala. Dahan dahan kong inilapag sa hapag ang kanin at inirapan ang lalaki. Natawa naman siya sa ginawa ko. Agad akong tumalikod at kumuha ng malaking bowl para sa ulam na sinigang. Dahan dahan kong isinalin sa bowl ang ulam namin. Oo, namin kasi kasali ako. Kakain din ako no! "Ouch! Shet! Shet!" daing ko nang biglang malagyan ng mainit na sabaw ang aking kamay. Hindi ako pwedeng umigtad kasi mas mapapaso ako. Napapikit nalang ako at hinayaang mawala ang sakit. Biglang may humawak sa kamay ko at inagaw ang malaking bowl. Nagulat ako nang makita ang seryosong mukha ni sir Logan. Inilapag niya ang bowl sa counter at hinila ako papuntang lababo. "Tsk. Stupid." inis niyang bulong na ikinairap ko. Inilublob niya ang kamay kong napasonsa tubig pero mabilis ko iyong inagaw. "Ayos lang sir, mas masakit matawag ng stupid no!" pagdadrama ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tiningala ko siya at inirapan, pagkatapos ay muli kong kinuha ang bowl at inilagay na iyon sa hapag. Naabutan ko ang nakangising lalaki kaya kunot noo ko siyang tiningnan. "Bakit?" Taka kong tanong sa kaniya. "Concern na concern, Gov ah? Anong meron?" nanunukso ang boses nitong sambit sabay tingin kay sir Logan. Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin. "Wala!" "Nothing." Sabay naming sambit ni sir Logan kaya mas lumapad ang ngisi ng lalaki. Sapakin ko kaya to? Pero infairness, kinikilig ang loob ko sa panunukso niya. Siguro kung hindi ako tinawag na stupid ni sir Logan ay maglulukso lukso na ang puso ko at maiisip na concern siya sa akin. Muli sana akong kukuha ng bowl pero ginawa na iyon ni sir Logan kaya hindi ko na itinuloy. Kumuha nalang ako ng plato at mg kubyertos at inihanda iyon sa mesa. Siyempre naglagay din ako ng sa akin no! "Yeyyy! Sinigang! Daddy your favorite!" magiliw na bulalas ni Ambrose habang pumapalakpak pa. "Taste test ngaaa!" singit din ng lalaki at mabilis na kumuwit ng sabaw sa bowl pero nabitawan niya ang sariling kutsara dahil tinampal ni sir Logan ang kamay niya. "Ako muna." masungit niyang sambit. Mas natawa tuloy ang lalaki at sumandal nalang sa sandalan ng upuan. "Hmm.... May naaamoy talaga ako eh." Wika ng lalaki sabay singhap pa. Nagtaka tuloy kaming lahat sa sinabi niya. Baliw ba ang isang to? Pasimple din aking suminghap baka sakaling maamoy ko din ang sinasabi niya. "Anong amoy? Mabaho ba? Baka may umutot?" wala sa sarili kong sambit. Humalakhak siya sa sinabi ko kaya natahimik ako at napanganga. Tangina, anong nakakatawa?? Naghila nalang ako ng upuan na katabi ni Ambrose habang siya ay tumatawa padin. Pagtingin ko kay sir Logan ay naupo na din siya sa pinaka gitnang upuan. Nasa kanan niya kami ni Ambrose habang nasa kaliwa naman ang lalaki. "Shut up." Madiin niyang sambit sa bisita niya. Itinikom naman ng lalaki ang kaniyang bibig pero nagpipigil padin ng tawa. "Ayos ka din pala, teacher. Gusto ko ang humor mo! Mukhang magkakasundo tayo!" kapagkuwan ay saad niya habang tinuturo ako. Plastic ko nalang siyang nginitian at nginuso ang direksyon ni sir Logan. Masama na kasi siyang nakatingin sa lalaki. "Kapag hindi ka tumigil papalayasin kita dito sa bahay ko, Sancho." seryoso niyang sambit sa bisita kaya agad na ngumuso ang lalaki. Sancho pala ang pangalan niya. Makaluma ang pangalan, bagay lang sa makalumang tao na gaya niya. "Let's eat." wika ni sir Logan at agad na hinawakan ang sandok. "T-Teka, hindi kayo nagdadasal bago kumain?" Taka kong tanong kaya napatigil sila. Tumikhim naman si Sancho. "What do you mean po, teacher? What's dasal?" inosenteng tanong ni Ambrose sa akin. Napasinghap ako at nilingon si sir Logan. "Hindi mo tinuruan ang anak mo sir?!" bulalas ko. "Tsk. Ofcou—" "Anong klase kang ama?!" Bulalas ko ulit. Masama niya akong tiningnan at hinawakan ang kamay ng anak kaya napalingon si Ambrose sa kaniya. "Dasal means prayer baby." Kalmado niyang wika sa anak. "Ohh! I see. I know how to pray po teacher." biglang saad ni Ambrose. "Ah, marunong naman pala hehe." napapahiya kong saad. English pala ang alam ng batang to. "Sige, lead the prayer na baby Ambrose." saad ko dahil tumahimik ang lahat. "Amen!" Sabay sabay naming saad pagkatapos ng dasal. Napadako ang tingin ko kay sir Logan at nakitang mariin parin ang tingin niya sa akin. Shet! Baka nagalit to sa sinabi ko kanina. Lord, helppp! Nag iwas nalang ako ng tingin at sinandukan ng kanin si Ambrose dahil ako ang malapit doon. "Thank you, teacher." wika ng bata kaya napangiti ako ng hilaw. Pansin kong si sir Logan nalang ang hindi pa nakakakuha ng kanin. Nahihiya naman akong ilahad sa kaniya kaya naupo nalang ako at hindi siya tiningnan ulit. "Paabot." bigla niyang sabi. Akala ko iaabot na ni Sancho dahil malapit lang din naman siya pero ang mokonh na to, kumakain na agad at mukhang hindi pa narinig ang sinabi ni sir. "Mara, paabot ng kanin." biglang sabi ni sir Logan. Nanindig ang balahibo ko sa batok nang tinawag niya ang pangalan ko sa unang pagkakataon. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Grabe, ganun pala kaganda yung pangalan ko kung siya na ang tumawag sa akin?? Napakurap kurap ako nang marealize na nakatitig lang ako sa kaniya. "Sorry sir, eto na." agad kong sambit at inabot sa kaniya ang kanin. "Thank you." baritonong wika niya na ikinalunok ko. Marahan kasi ang malalim niyang boses. Iyong boses na ginagamit niya kapag kausap niya si Ambrose. Nakakapanghina! "Kain kana, teacher. Mamaya na yang kilig." pilyong tukso ni Sancho na para bang close kami! "Close tayo?" mataray kong asik sa kaniya kaya nawala ang ngiti niya. Sabay kaming napatingin kay sir Logan nang marinig ang mahina niyang tawa. Wala na, busog na agad ako! Charot HAHA Hindi ko na malunok lunok ang kanin dahil sa mga pinag gagawa ni sir Logan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD