CHAPTER FIFTY FIVE CINDY Nagmamadali akong pumasok sa clinic na malapit sa condo ko. Parang gustong kumawala ng puso ko mula sa aking dibdib nang tumawag sa akin si Jennica, ang babysitter ni Mirko. Ang sabi niya ay dinala raw sa clinic ang anak ko dahil nahagip ito ng isang motor. Diyos ko! Limang taon pa lang ang anak ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Kaagad kong nilapitan ang unang nurse na nakita ko at kaagad nagtanong tungkol sa batang dinala raw rito dahil sa insidente sa motor. "Tingin ko si Mirko ang tinutukoy mo. Naroon siya," ani ng nurse saka iminuwestra sa akin ang banda kung saan may mga nakahilerang kama na mga kurtina lang ang nagsisilbing harang. Sa 'di kalayuan ay nahagip nga ng mga mata ko ang nakatalikod na si Jennica, nakatayo sa gilid ng

