CHAPTER FIFTY SIX KATELYN Pasilip-silip ako kay Teddy habang abala siyang naglalaro mag-isa ng laruan niyang robots, habang kami ni Mama ay abala sa pagluluto sa kusina. Malapit lang ang bahay namin sa bahay nina Mama at Tito Allan. Alam kasi ni Rappy na gustong bumawi ni Mama sa mga nasayang naming mga panahon noon, kaya naman nang magpakasal kami at bumukod ay bumili siya ng bahay na malapit lang sa kanila, nang sa ganoon ay madalian kaming makadalaw sa isa't isa at magkasama. Laking pasasalamat namin sa konsidirasyon ni Rappy sa amin, at least ay kahit na may asawa na ako ay hindi pa rin kami nagkahiwalay ni Mama. Minsan kasama niya rin si Tito Allan na dumadalaw rito kapag wala itong trabaho. Minsan naman ay kami ni Teddy ang dumadalaw. Ganoon din si Dad--Vatch. Magmula nang gumaling

