CHAPTER FIFTY SEVEN KATELYN Naaaliw na pinapanood ko lang ang buong taga-Emmanuel's kung paano sila manggigil sa anak ko. First time nilang makita ng personal kaya naman tuwang-tuwa sila. Idagdag pa na may pagkamatalino itong kausap kaya naman hangang-hanga sila. Noong una nga ay medyo natakot pa sa kanila si Teddy, pero dahil kasama niya si Rappy habang nakikihalubilo sa mga ito ay nawala na rin ang hiya at takot niya. Isa pang ikinatutuwa at ikinaaaliw nila ay ang punto na anak namin ni Rappy ang kaharap nila ngayon. Mula bata pa lang kami ay expected na nilang mangyayari ito, pero sa rami ng nangyari ay akala nila'y hindi na ito matutupad. Ang hindi nila alam ay hindi kay Rappy si Teddy, pero at least bandang huli ay kami ang ikinasal, right? "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapa

