Chapter Thirty Three

2995 Words

CHAPTER THIRTY THREE KATELYN HUMARAP sa akin si Cindy habang nagsusuklay. "E, bakit hindi mo idirekta kay Jake ang tanong?" Niyakap ko ang tuhod ko at napaisip. Kung tatanungin ko kaya siya ay sasabihin niya sa akin? Matapos ng senaryo kanina sa terrace ay pumasok na ako sa kuwarto at sinabi ang nangyari at gumugulo sa utak ko kay Cindy. Umaasa na makakakuha ng kahit anong payo galing sa kaniya sa maari kong gawin. Hindi ko alam pero nag-aalala talaga ako. Umupo sa tabi ko si Cindy. "Alam kaya ni Rappy?" Napabaling ako sa kaniya at umiling? Parang imposible. "Sa tagal na wala si Rappy rito sa Pilipinas, paano niya malalaman?" "E, sabi mo bata ka pa lang pansin mo na ang ugnayan nila? Ibig sabihin ay narito pa si Rappy noon? Hindi ba?" Napapaisip na kinuha ko ang cellphone ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD