CHAPTER THIRTY TWO KATELYN SINALUBONG ako ni Jake pagkalabas ko ng building tower matapos ng working hour namin. Byernes na at plano naming umuwi ngayong gabi sa Tagaytay para makapaghanda sa pag-uwi nina Mama. Excited na akong makitang muli sila at makasama. Huling beses na nagkasama kami ay napakalungkot ko at halos makiusap ako sa kanila na gusto ko nang umuwi. Ngayon gusto kong ipakita at harapin sila na masaya na ako. Hindi madali ang pinagdaanan ko sa London, at dahil doon ay nagawa kong ipagtapat kay Mama ang nararamdaman ko tungkol sa samahan namin bilang mag-ina. Alam kong hindi nabago ng pag-uusap o sagutan na iyon ang nakaraan na nananatiling bangungot kay Mama, pero at least ngayon ay binibigyan niya na ako ng chance na maging anak sa kaniya, na tinitingnan niya na ako hind

