CHAPTER SEVEN KATELYN When the wounds healed, the scar stays. Lumipas ang mga araw na nagugulat na lang akong lagi akong pinapansin ni Rappy sa opisina. Madalas din ay sabay na kaming nagpupunta sa site's, siya para bantayan ang mga tao at i-make sure na maayos ang pagtatrabaho ng tao niya. Habang ako ay sinisigurong ligtas ang bawat space na ginagawa nila. Ang tagal kong hinintay na magkasama ulit kami ni Rappy. Ang tagal ko ring hinintay na magbalik kami sa dati. Pero ngayon na halos magbalik kami sa dati ay parang hindi naman ako makapaniwala. Parang naninibago pa rin ako sa bawat ngiti niya sa 'kin but the worst is naiilang pa 'ko. Siguro dahil hindi mababago na hindi maganda ang una naming muling pagtatagpo. Na minsan akong na-disappoint sa kaniya. But after all i can't point it

