CHAPTER SIX KATELYN Changes in life makes you feel hurt, but is there any chance to undo every changes? Ilang beses akong tinatanong ni mama kung saan daw ako nagpunta noong sabado at madaling araw na 'kong nakauwi. Pero paulit ulit lang ang sagot ko na namasyal lang ako at inabot ako ng madaling araw. Hindi ko naman gustong sabihin na galing ako sa condo ni Rappy, dahil kahit gaano kalaki ang tiwala ni mama sa kababata kong 'yon hindi pa rin mababago na lalaki ito. Mula nang gabing 'yon ay hindi pa ulit kami nagkikita ni Rappy. Lunes pa lang ngayon at kahabon na day off ay nagstay lang ako buong maghapon sa bahay. Hindi ko rin siya nakumusta kahit sa cellphone lang dahil wala akong number niya. Philippine network pa rin ang mayroon ako, kaya siguro hindi na rin siya nag-abala na k

