CHAPTER FIVE
KATELYN
Everybody says that first love never dies, but not untill you met the person you'll imagine your future with, not untill you met the person you'll love the most and makes you forget how you felt for your first love.
Matapos nang gabing 'yon ay hindi ako nakapasok nang isang linggo. Tinamaan ako ng asthma ko dahil sa pagkatuyo ng pawis. Mas mabuti na rin 'yon dahil hindi ko gustomg pumasok sa trabaho. Hindi ko alam kung kailangan ko bang umiwas dahil sa inamin ni Rappy sa 'kin, o dahilan lang 'yon para mas maging maayos na kami dahil sa closure. Hindi ko alam. Parang lalo lang akong naguluhan.
Mabuti na lang nang pumasok na uli ako sa trabaho ay hindi ko na siya masyadong nakikita.
Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang gabing 'yon, and i don't have any idea kung bakit biglang parang nawala ang presensya ng lalaking 'yon. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses pa lang ata siyang pumapasok, tapos magkukulong na lang siya sa opisina niya.
Nagtataka 'ko at nag-aalala, pero hindi ko namang makuwang magtanong. Ayokong ipakita ang pag-aalala ko dahil baka makarating pa kay Taylor, magselos pa. Hindi ko alam kung magagalit ba 'ko kay Taylor dahil sa rinequest niya kay Rappy, o sasang-ayunan ko siya?
Siguro nga malaki masyado ang papel ko sa buhay ni Rappy, kaya kahit sinong girlfriend ay papalayuin si Rappy sa 'kin. May karapatan si Taylor para pagselosan ako, may karapatan si Taylor para palayuin si Rappy sa 'kin. At ako, walang karapatang magalit o magtampo. Walang karapatang pigilan siya at humiling na mas piliin niya 'ko kaysa sa girlfriend niya.
Napabuntong hininga na lang ako habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Sabado na ngayon, bukas wala nanaman kaming pasok pero hindi pa rin kami nagkakausap. Bandang alas sais na ng gabi, pauwi na 'ko ngayon. May parte sa 'kin na umaasang makikita siya bago ako umalis ng building, pero may parte rin sa 'kin na nagsasabing 'wag na lang.
Naghanda ako sa paghakbang ko nang tumunog na ang elevator, ngunit natigilan ako nang pagbukas niyon ay nasa loob si tito Vatch. Kasama niya si Irithel na sekretarya niya.
Ngumiti siya sa 'kin at bahagyang tumango. Kaya naman nagtuloy na lang ako pagpasok. Sa totoo lang hindi ko akalain na ganito siya ka-soft sa 'kin. Medyo disappointed ako sa kaniya noon nang iwan niya sina Rappy, nainis din ako sa kaniya nang isama niya sa ibang bansa si Rappy, kaya nagkahiwalay kaming dalawa. Medyo naiilang tuloy ako.
"How are you?"
Ngumiti ako at sinabing maayos lang ako. Kinumusta niya rin ako tungkol sa pag-atake sa 'kin ng asthma after namin makulong ni Rappy sa elevator nang mahigit tatlong oras.
"Mabuti pa ikaw magaling na, si Rafael parang ngayon pa lang nagkakasakit," may buntong hininga niyang tugon. Halos mapatunganga ako nang magtagalog siya, pero mas napagtuunan ng pansin ko ang sinabi niya.
"May sakit po si Rappy?"
Umiling siya. "Wala naman, but i know he has a problem. Pero kahit gaano na katagal ang pagsasama namin dito sa London, may wala pa rin sa 'kin na meron kayo ni Pauline, kaya hindi niya sa 'kin masabi ang problema niya."
"Tinanong ninyo na po siya?"
Hindi ko mapigilan ang mag-alala. Napansin ko ang halos isang linggo niyang absence, personally and mind absent.
Pero hindi ko alam na maari pa lang seryoso ang problema ng isang 'yon.
"Yes. I also asked if it's about Taylor, pero ang sagot niya lang sa 'kin ay 'let's not talk about her' so i knew its because of her."
Naibagsak ko ang paningin ko. Sa nakikita ko kay Taylor sa loob ng isang linggo, para naman wala siyang problema. Nakipaghiwalay ba si Taylor? Nag-away ba sila? Pero bakit siya lang ang affected?
"Can you talk to him, for me?"
Muli akong napaangat ng tingin sa kaniya. Kitang kita ko ang pamumungay ng mga mata niya. Sa bata niyang hitsura, ngayon lang naging halata ang edad niya, marahil sa pag-aalala sa anak kaya gano'n ang awra niya. Sa ganoong ekspresyon sa mga mata, gusto ko siyang pagbigyan. Pero sa rami nang nagbago, may kakayahan pa ba 'kong bawasan ang dinaramdam ni Rappy?
"Tito, I-I don't know. Sa rami ng nagbago hindi ko alam kung magsasabi pa sa 'kin si Rappy," puno ng katotohanan kong tugon. Sabay kaming lumabas ng elevator pagkabukas niyon. Habang nakasunod lang sa 'min si Irithel.
"Just try. There's something in you na sobrang kapareho ni Pauline. Siguro kaya mula noon kung hindi si Pauline ang takbuhan ni Raff, ikaw ang pinupuntahan at nasasabihan niya. Somehow i know na wala pa ring nagbabago, it just that nagmahal na siya ng ibang babae."
Napaiwas ako ng paningin ko. Bigla akong nahiya. Alam ba ni tito Vatch ang totoong ugnayan namin ni Rappy bukod sa friendship namin?
"Please, try it. Nag-aalala na 'ko kay Raff, kung nagsasabi lang siya sa 'kin, ako na ang kakausap sa kaniya. Somehow naiisip ko, sana hindi na lang nawala si Pauline, dahil mas kailangan siya ni Rafael kaysa sa 'kin."
Umiling ako. "Tito, don't say that. Siguradong kailangan din kayo ni Rafael, sadiyang hindi niya lang masabi ang problema niya ngayon. Pero pantay lang kayo ni tita Pauline sa pangangailangan niya," maagap kong sabi.
Maski ako hinihiling na sana hindi na lang nawala si tita Pauline, pero hindi dahil walang halaga si tito Vatch. Siguradong importante rin para kay Rafael ang pagmamahal ng daddy niya.
"I hope so," sabi niya matapos magbuntong hininga.
Napailing ako. Muling namutawi sa 'king sistema ang pag-aalala kay Rafael. Hindi magkakaganito si tito Vatch kung hindi niya nakikita ang matinding depresyon kay Rappy.
"Ako na pong makikipag-usap kay Rappy. Susubukan ko pong alamin ang problema at pagaanin ang loob niya," I assured him. "Saan ko po ba siya makikita?" Tanong ko't tumingin pa sa elevator, iniisip kung kailangan kong bumalik sa loob.
Sumilay ang masayang ngiti sa labi ni tito Vatch. Alam ko rin na kahit papaano'y nakahinga rin siya nang maluwang. Binalingan niya si Irithel na halos makalimutan kong kasama namin. May mga binilin lang siya tungkol sa mga papeles saka umuna nang umalis ang babae pagkatapos magpaalam sa 'min. Saka ako binalingan ni tito at sinabing hindi sa bahay nila tumutuloy ngayon si Rappy. Sa condo nito. Pero dahil hindi ko pa kabisado ang lugar ay hinatid na 'ko ni tito Vatch sa tapat ng malaking building kung nasa'n ang condo ni Rappy.
Nagpaalam na siya agad dahil ayaw niya raw makaabala sa 'min. Sinabi niya na rin sa 'kin ang number kaya madali ko 'yon nahanap, pati ang passcode.
Hindi ko alam kung matatawa 'ko o ano dahil sa pati pass code alam ni tito Vatch.
Kumatok ako kahit na alam ko ang pass code. Alam kong may tao dahil bukas ang ilaw sa loob, pero halos sampung minuto na 'kong nakatayo dito ay wala pa ring nagbubukas. Nakailang katok na rin ako. Kaya naman nagpasya na 'kong pagbuksan ang sarili ko. Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad si Rappy na nakaupo sa ibaba ng sofa, at nakatingin sa 'kin.
May kalakihan ang condo niya, pagtapos ng sala ay may isa pang daan sa kaliwa kung saan tingin kong kusina niya, at sa kanan ay pinto na tingin ko naman ay kuwarto niya. Malinis ang condo, ngunit may parte na magulo. Sa mini table kung nasaan nakaharap si Rappy. Nagkalat ang chips at mga walang laman na can in beer sa carpeted floor, habang nasa ibabaw ng mini table ang bowl na naglalaman ng yelo at basong may laman na beer, at iilan pang beer in can na hindi pa bukas.
Nakapatong lang sa sofa ang suot niya kaninang pamatong habang siya'y nakasandal doon.
Mukhang hindi niya inaasahan ang presensya ko kaya naman kaagad siyang naging alerto nang magbukas ang pinto, ngunit nang makilala niya 'ko ay muli niyang ibinaling sa baso ang paningin niya.
Napabuntong hininga 'ko bago ko muling isara ang pinto niya. Linock ko uli 'yon para walang ibang makapasok. Halos dahan dahan ang galaw ko at naupo sa sofa niya sa may likuran.
Hindi ako nagsalita, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.
"How did you get here?"
Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Kahit halos nakatalikod siya sa 'kin ay kita ko pa rin ang pawisan niyang mukha na dala siguro ng alak. Pati ang namumungay niyang mga mata.
"Dinala 'ko rito ng daddy mo. He's worried about you. Alam niyang may problema ka, hindi mo lang sinasabi."
Narinig ko siyang tumawa sa namamaos niyang boses. Ipinahinga niya ang ulo sa ibabaw ng sofa, kaya mas nakita ko ang mukha niya, at kita ko rin ang pagtitig niya sa 'kin. Halos magkadikit na ngayon ang pisngi niya't hita ko.
"Si dad pala nagpadala sa 'yo, tell him its okay. You can leave now." Sa puwesto niya ay mas nakita ko ang paggalaw ng malaking bukol sa lalamunan niya. Napailing ako.
"Alam naming kailangan mo nang makakausap. You can talk to me instead of that beer. It won't help anyway."
"You can't understand."
"No matter how hard it is, I'll try. Trust me."
Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya, kasabay ng pagkabasa ng mga pilik mata niya. Parang may kumirot sa puso ko dahil do'n. Muling nanumbalik ang sakit na minsan ko noong nararamdaman sa tuwing nasasaktan siya.
"Ang tagal ko nang napapnsin na may ibang pinagkakaablahan si Taylor," simula niya sa nanginginig na boses. "Kaya nga hindi siya nakarating sa meet up n'yo no'n. Pero inisip kong simpleng bagay lang 'yon, pero unti unti mas naging malamig na siya sa 'kin," minulat niya ang mga mata, at doon ko nakita ang pamumula niyon at ang sunod sunod na pagpatak ng luha niya.
Gusto ko siyang tahanin, o punasan ang luha niya. Ngunit natatakot akong baka hindi niya ituloy ang paglalabas ng sama ng loob kung may sasabihin ako.
"Noong nakulong tayo sa elevator, akala ko magseselos siya o magagalit kasi kasama kita. But no. She don't feel jealous anymore. Then one midnight, after my busy schedule, I'm planning to spend my time with her so I'd get to her condo," nasira ang boses niya. Gusto ko na siyang pigilan dahil alam kong nasasaktan na siya. Pero tinuloy niya pa rin.
"Naabutan ko siyang may ka-s*x. That guy who introduced to me once as her cousin, so i shouldn't be jealous. But damn, she had s*x with her cousin?"
"Narinig mo na ba ang paliwanag niya?" Maging ako ay rinig ang pagiging hopeless sa boses ko. What a good explanation for that?
"I've tried. I thought she'll say that it was an accident? Or that guy just forced her, or just a one night stand. I'll accept it if i should. Stupid but yes, i am that fool in love with her. But yet she admitted that they have a relationship. And she wanted to break up with me."
Umayos siya ng upo at tinakpan ng dalawang palad ang buong mukha niya. Nakita ko ang paggalaw ng balikat niya, naririnig ko rin ang mga hikbi niyang mukhang kanina pa pinipigilan.
Bumaba ako sa pagkakaupo sa sofa, para tabihan siya. Mabigat man ang dibdib ay gusto ko pa rin na tahanin siya. Hindi ko na matandaan kung ano ang ginagawa ko noon para pagaanin ang loob niya, pero gusto ko pa ring subukan. Sa rami nang nagbago hindi ko alam kung sapat pa ba 'ko para maibsan kahit papaano ang sakit na mayroon siya. Pero ang pakikihati ng sakit sa kaniya, hanggang ngayon ay naroroon pa.
Dahan dahan ko siyang niyakap, at naramdaman ko ang dahan dahang pagsandal niya sa 'kin.
DAHAN DAHAN kong hiniga si Rappy sa long sofa. Matapos nang ilang minutong pag-iyak ay tinuloy niya ang pag-inom. Imbis na iwan ay sinamhan ko na lang siyang umiyak. Naka isang can lang ako ng beer, at siya na ang umubos ng natitira niyang anim na beer. Hanggang sa bumagsak na ang katawan niya.
Linigpit ko na ang mga nagkalat na mga ginamit na 'min. Matapos ay kumuwa 'ko ng blanket para sa kaniya.
Natigilan lang ako nang mapansin ko ang pagkunot ng noo niya habang may pumapatak na luha mula sa mga mata niya. Naupo ako sa kapirasong space sa sofa. Pinunsan ko iyon.
Malalim na ang mga mata niya, halata sa kaniyang stress siya nitong mga nakaraang araw. Hindi pa ganito ang hitsura niya nang nagkasama kami sa elevator.
Ang tagal na rin naming nagkikita rito sa London, pero ngayon ko lang siya nalapitan at napagmasdan nang ganito kalapit.
"Miss na miss na kita, gustong gusto ko nang ibalik 'yong dati na 'ting samahan, " pumatak ang luha ko pero mabilis ko rin 'yon pinalis. Dinig ko ang pamamaos ng sarili kong boses. "Pero ayos lang kahit na lumayo ka nang lumayo sa 'kin para kay Taylor, 'wag ka lang makitang nasasaktan."