CHAPTER FOUR
KATELYN
Destiny doesn't means you meant for someone you destined with, somtimes you just destined to saw him happy, not because of you but with someone else.
Sa lumipas na dalawang linggo, natapos na na 'min ang design. Inaprubahan na rin 'yon ni Rafael. Sa mga lumipas na araw ay hindi ko na ulit nakausap si Rafael, it seems like umiiwas siya sa 'kin. But this time, sinabayan ko na ang pag-iwas niya. Mas naging immune na 'ko dahil may idea na 'ko kung bakit niya 'ko iniiwasan.
"Baka kaya ka niya iniiwasan dahil sa natatakot siyang hilingin mo sa kaniyang panindigan ang pangako niyang hindi niya na kayang hawakan," minsang naging komento ni Cindy nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari nang dalhin ako ni Rappy sa space.
Tama si Cindy. Maaring dahil sa may girlfriend na siya kaya umiiwas siya sa 'kin ngayon.
Siguro nagu-guilty siya dahil sa pagsira ng pangako niya. Kaya mas pinili ko na lang din ang umiwas. Nagkakausap na lang kami kapag kailangan, pero lagi naman kaming may kasama. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin.
Magkasama kami sa iisang firm, magkatrabaho sa project, magkasama sa iisang team, may pinagsamahan kami noon pero daig pa namin ang hindi magkakilala.
Sa isang iglap binawi ko ang lahat ng kahilingan ko noon sa tadhana na pagtagpuin kami, dahil ngayong pinagtagpo nga kami ay ang bigat naman sa dibdib. Ang hirap pala na 'pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo para sa isa't isa?
Pero ang pinaka-mahirap ngayon ay ang magpanggap na ayos lang ako, na masaya 'ko kahit hindi na. Bilang team ay madalas kaming magkakasama, at siyempre ano pa nga ba ang aasahan sa isang team kapag may magkarelasyon? Sila ang madalas tinutukso, pinapansin. All i have to do is to smile and fake a laugh.
Kaya mas gusto ko kapag sa opisina kami, wala sa field. Dito kasi mas madaling umiwas dahil mas maraming tao, nasa opisina rin si Tito Allan na lagi kong binalingan ng atensyon kapag ang magkarelasyon nanaman na sina Rafael ang sentro ng atensyon. Ang nakakainis pa sa lahat, 'yong napakahirap umiwas ng tingin dahil natatakot akong baka mapansin nila ang bitterness ko.
Bitter ako, oo. Ang hirap kasing hindi isipin 'yong tungkol sa pangako niya. Ang sarap itanong habang nakikita kong hinahalikan niya si Taylor, 'asan na 'yong pangako mong mamahalin mo 'ko hanggang sa paulit-ulit na bukas mo? Is there no tomorrow for us?' That should be me, Rafael.
Napatingin ako sa itaas ng elevator nang tumunog 'to bilang senyales ng pagbukas nito. Kaagad akong humakbang papasok pagkabukas ng bakal na pinto.
Kakatapos lang ng meeting namin tungkol sa safety ng design. So far ay may mga pinabago lang ako kay Taylor sa sketch na iilang detalye, para mas maging ligtas ang bawat sulok ng building.
Ngayon niya rin sinubukamg ayusin kaya naman hinintay ko na para kaagad makita, kaya naman na-late na 'ko ng uwi. Pasado alas sais na ng gabi. Sa ngayon ay pinalitan ko na muna ang relo ko ng oras, oras dito sa England para hindi ako malito.
Sasara na sana ang elevator nang may pumigil rito, at sumingit papasok. Si Rappy.
Bahagya siyang ngumiti saka tumabi sa 'kin. Tumango lang ako at pinagmasdan ang numero sa itaas. Bigla akong pinagpawisan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iakto ngayon. Ito ang unang beses na magkakasama kami matapos nang araw na 'yon. Pareho lang naman kami na umiiwas sa isa't isa. I bet hindi lang ako ang nakakaramdam ngayon ng awkwardness.
Pinunasan ko ang noo ko nang pakiramdam ko'y pinagpawisan na 'ko. Bakit parang ang bagal ng oras?
Buti na lang suot ko ang earphone ko kaya naman kahit papaano may rason ako kung bakit 'di ko siya pinapansin. Ayokong mapansin niyang umiiwas ako, bakit? Dahil hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihin ang dahilan ng pag-iwas ko. Kahit ako sa sarili ko'y hindi ko rin maipaliwanag.
Napatingin ako kay Rafael nang hinawakan niya ang braso ko. Nang tingnan ko siya'y sumenyas siya sa 'kin tungkol sa earphones ko.
Nagtatakang tinanggal ko 'yon at tinabingian siya ng ulo.
"Huminto 'yong elevator, I've heard some noises but it seems you haven't noticed," 'agad siyang nagsalita pagkatanggal ko sa puds.
Napatanga 'ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang sa namalayan ko na lang na may kausap na siya sa cellphone. Narinig ko pa siyang nagmura.
"3 hours? That's to long! We can't stay here in long 3 hours without dying!"
Napakagat ako sa labi ko. Tama siya, sobrang init dito at pakiramdam ko unti unti akong mauubusan ng oxygen. Mahirap magstay dito sa loob ng tatlong oras. Pero may choice ba kami?
Pinanood ko lang siya hanggang sa natapos siya sa kausap niya sa phone. Nakita ko ang pagsandal niya sa pader. Kagaya ko, pawisan na rin siya. Bahagya akong tumikhim, dahilan para mapatingin siya sa 'kin.
"Its okay. You're an engineer, you know that it isn't easy to recover. We neer patients. It isn't their fault." Hindi ko alam kung gagana, pero gusto ko lang sana siyang pakalmahin.
Pumungay ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Naestatwa 'ko sa kinatatayuan ko nang humakbang siya palapit.
"Sorry, I'm just worried about you. Do you still have an asthma?"
Nagulat ako sa hayagan niyang tono. Oo nga't may asthma ako mula pagkabata. Kaya nga hindi ako maiwan ni mama nang mag-isa kapag-aalis siya at lagi akong iniiwan kay tita Pauline. Madali akong pagpawisan, ngunit hindi puwede akong matuyuan dahil inaatake 'ko ng hika ko.
Biglang nag-init ang mukha ko at hindi kinayanan ang mga titig niya, kaya naman napayuko ako. May kung anong gumalaw sa buong sistema ko. All along hindi pa rin nawala ang concern niya sa 'kin.
"Halika nga," hinila niya 'ko bahagya paupo sa sahig. Nang maupo kami ay doon ko lang narealize kung gaano kapagod ang tuhod ko, pati ang panglalata ko dahil sa init.
"Nagkaro'n lang daw ng problema, but they're trying to fix it immediately."
Tumango lang ako habang hinahalukat ang bag ko para kumuwa ng pang-ipit. Tinalian ko ang buhok ko ng top knot.
Napatingin ako sa kaniya nang may itapat siya sa 'kin na bote ng tubig.
"Boyscout?" Natatawa kong asar, pero kinuwa ko naman agad. Tuyong tuyo na ang lalamunan ko, i really need this.
"Mas gusto kong tubig ang iniinom kaysa sa mga may kulay, para healthy."
Inirapan ko siya. "Corny mo! Oh!" Kahit gaano ka-uhaw ay pinilit ko pa rin kontrolin ang sarili ko. Ayaw ko namang ubusan siya ng tubig, tubig niya 'to e.
Tumawa siya at bahagyang tinapik ang kamay ko.
"Ubusin mo, you need that."
"Hindi na ba kita maririnig nang may complete sentence na tagalog lang?" Naniningkit ang mga mata ko saka ipinagpatuloy ang pag-inom.
"Pagpasensyahan mo na po, nasanay e."
Bahagya ko siyang inismiran, bahagyang tawa lang ang narinig ko sa kaniya. Ilan sandali kaming natahimik habang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko hindi ang init ang papatay sa 'kin, kun'di 'yong katahimikan.
"Sa susunod papalagay na 'ko ng air con sa loob ng elevator," narinig kong bulong niya. Hindi ko mapigilan ang matawa. That's the most hilarious idea i ever heard.
"Talaga ba? Sa tingin ko 'yan na ang ikababagsak ng career mo, " tukso ko.
"Uy ang ganda kaya ng idea ko," natatawa niyang depensa.
Napailing na lang ako at hindi nagsalita. Pinuno nanaman kami ng katahimikan.
Pakiramdam ko makakatulog na 'ko dahil sa panlalatang nararamdaman ko, pero sa sobrang init imposible rin na makatulog ako.
"3hours, 3hours talaga tayong ganito katahimik?"
Hindi ako gumalaw, tiningnan ko lang siya sa gilid ng mga mata ko. Nakabukas na ang polo niya hanggang sa may tiyan, hinubad niya na rin ang sapatos niya, which is walang amoy kaya hindi ko napansin. Sana lang hindi siya makita ni Taylor na ganito at baka pag-awayan pa nila.
Buti na lang naka-blouse lang ako at pencil skirt. Hindi mainit sa suot ko. Hinubad ko na lang ang sapatos ko.
"Bakit laging lumilipad si Peter Pan?"
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang magbitiw ng random na tanong. Tiningnan ko siya na naniningkit. Nakita ko ang ngisi niya, and anytime feeling ko mamamatay ako. Paanong hindi? Mamasa-masa na ang buhok niya ng pawis, magulo ang buhok. Sumasabay pa na nakabukas ang botones ng polo niya, at ngayon ko lang napansin ang abs niyang sumisilip sa bukas niyang damit. Pasimple kong iniwas ang paningin ko at patay malisyang umiling.
"Sige, papatol ako. Bakit?"
"Because, he neverlands," sabay tawa niya nang malakas.
Nagtaas ako ng kilay pero hindi rin nagtagal ay natawa na 'ko, paanong hindi? Sa corny ng reaction niya matatawa ka na lang.
"Ano ang gulay na mestisa?"
Nasapo ko ang noo ko. Mukhang trip niya talagang magjoke ngayon.
"Ano?" No choice kong sagot.
Tumawa siya bago magsalita.
"Edi Putito!"
Napahalakhak ako sa kaniya. Nagsalita siya habang tawa pa nang tawa. "Meron pang mas mestiza diyan,"
"Ano?"
"Edi, Mas Putito!"
Sabay kaming humalakhak. Hindi ko alam kung natatawa ba 'ko sa joke niya kasi nakakatawa, o sa sobrang ka-corni-han na lang.
"Stop please, i cannot," natatawa kong sabi.
Pansin ko ang paghupa ng tawa niya, at ramdam ko ang titig niya sa 'kin. Hindi ko tinuon ang mata ko sa kaniya, patay malisyang tumatawa 'ko nang mag-isa.
"I miss this," narinig kong sinabi niya. "Laughing at each other, joking around, i miss being like this."
Tiningnan ko siya, halos magfreeze ang ngiti ko. Unti unti 'yon nawala, at kahit hindi ko nakikita ang mukha ko'y alam kong seryoso na 'yon.
"I'm don't believe you, I can't,"
"Kate..."
"Remember our first meet up? You act as a stranger, as if we're strangers. And our dinner to tito Allan's house? Parang si tito Vatch ang kababata ko, hindi ikaw. Sinabi mo rin sa 'kin na magmatured at kalimutan ang nakaraan?" Umiling iling ako.
This is the first time na nasasabi ko lahat nang sama ng loob ko. And i don't know if it'll makes me feel better, or to fear that maybe our tomorrow will be more complicated.
"Since that day hindi na 'ko umaasa na kaibigan pa ang tingin mo sa 'kin, na naaalala mo pa ang nakaraan. Akala ko nga nauntog ka na, nagka-anmesia at pili lang ang mga nakalimutan mo, at isa 'ko do'n. Kung may gumawa ba ng pekeng letter or massage na nagpalabas na ako ang gumawa no'n, and that makes you mad at me?" Umiling ako nang marahas. "Crazy, isn't?" Sarkastiko akong tumawa.
Narinig kong bumuntong hininga siya, at nakita kong tumitig siya sa ceiling.
"I'm sorry. Hindi ko itatanggi 'yon dahil talagang sinadya ko 'yon. Since i met Taylor, i knew how much i like her, but i have this hesitation to entertain my feelings because i know there was you. But Taylor thought me to love, and asked me to risk. She knew about our promises, kaya ayokong pumasok sa relasyon kahit na alam namin sa isa't isa ang nararamdaman namin," unti unting namamaos ang boses niya, kasabay ng pagpungay ng mga mata. "Dapat si Taylor na ang magde-design ng hotel, but we found out na plano pala ni mr. Allan na imbitahan ang step daughter niya as an interior designer, and i know that's you. Taylor does, so she make me promise na iwasan kita, at ilalayo ko ang dating Rappy sa bagong ako, so it won't remind you my promise."
Tumingin na siya sa 'kin. Dapat iiwas ako ng tingin, pero hindi ko magawa nang maramdaman ko ang lalim ng titig niya. Ang pawis sa buong katawan namin, hindi na lang 'yon dahil sa init. Alam kong epekto rin 'to ng confession namin ngayon sa isa't isa.
"I'm sorry kasi sadya kong umiwas, kasi sadiya kong kamuhian mo 'ko, sadiya kong iparamdam o ipakita sa 'yo na kinalimutan ko na ang nakaraan."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung nasasaktan ba 'ko? Nakahinga ba 'ko nang maluwang, o lalo lang nanikip ang dibdib ko? Hindi na 'ko sigurado, all i know is that 'truth hurts. Hindi ako pwedeng mag-assume na magagaya sa storya sa nobela ang kung ano'ng mayro'n sa buhay ko ngayon, dahil walang sumabutahe sa 'kin. Hindi rin labag sa kalooban ni Rappy ang mga aktong ginawa niya.
He just being more in love than how much he loved me before, so he's willing to forgot me just for the girl he love now.