FINAL CHAPTER KATELYN Sa buong hapon na iyon ay sinulit nina Rappy at Teddy ang muli nilang pagsasama. Siyempre na-missed nila ang isa't isa. May mga dala rin si Rappy na mga paint materials na kaagad nilang bininyagan. Parang gusto ko pa ngang magtampo dahil ayaw gamitin ni Teddy ang mga bigay ko sa kaniya, ang gusto niya lang ay ang mga bagong bili ni Rappy. Tuwang-tuwa pa si Teddy dahil tinuturuan siya ni Rappy na mag-paint at mag-mix ng iba't ibang colors. Siyempre bilang engineering ay nakasama sa talento ni Rappy ang pagda-drawing, pero hindi ko akalain na magaling din siyang mag-paint. Alam niya kung paano pagmumukhaing maganda ang mga kulay na para lang nilalaro sa papel. Ang mga ganitong pagkakataon ang pinaka na-missed ko sa pamilya namin. Iyong kahit gaano kami ka-busy ay nak

