CHAPTER SEVENTEEN KATELYN Changing isn't easy, but you have to embrace what has to change to start over again. NAGISING ako nang mag-isa na lang ako sa sofa, nakabalot ng kumot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Maaring kay Kuya Jake ito dahil hindi naman iyon isa sa mga nakatago kong blanket sa closet. Checkered ito na kulay itim at berde, panlalaki ito ayon sa design. Naka-lock na rin ang gate at pinto na siguradong si Kuya Jake na rin ang gumawa. Hindi ko namalayan na sa kabila ng mahaba kong pagtulog maghapon ay may naitulog pa ako sa magdamag na iyon. Mahimbing at mahaba. Nang silipin ko ang orasan ay alas otso na. Hindi ko na rin nakita mula sa parking lot ng bahay nina Tito Piks ang sasakyan ni Kuya Jake kaya marahil ay naka byahe na ito pa-Maynila. Imbes na gawin pa an

