CHAPTER SIXTY TWO KATELYN Parang may kung anong nagsasabong sa dibdib ko. Hindi ito mapakali habang papalapit ako sa villa na tinutuluyan nina Cindy at Mirko. Ang sabi ni Tito Piks ay aalis na raw before lunch sina Cindy, kaya naman gusto ko muna siyang puntahan at makita bago siya umalis. Hindi ko sigurado kung magpapakita pa uli siya sa akin, baka bigla nanaman siyang mawala kagaya ng nangyari almost six years ago. Tamang-tama't hiniram nina Tito Piks si Teddy, kaya naman wala akong kasama. Si Rappy naman ay nagpaalam na may kakausapin lang siya. Hindi pa kami nagkikita simula kanina. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga na muna ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses. Alam kong marami kaming dapat pag-usapan. Matapos ng mga nalaman ko kagabi ay na-realised ko na may kasa

