CHAPTER SIXTY THREE KATELYN "I'm sorry," tanging nasabi lang ni Rappy kasabay ng yakap niya sa akin. Kauuwi niya lang, galing daw siya kina Kuya Kevin para bigyan ng space si Jake matapos nilang mag-usap. Sinabi ko sa kaniya ang nangyari at napag-usapan namin ni Jake. Hindi ko siya masisisi kung magagalit siya sa akin. Itinago ko sa kaniya ang totoo kahit nang makauwi siya. Pero at least gumaan na ang loob ko kahit papaano dahil wala na akong itinatago. Ipinahinga ko lang ang sarili ko sa pisig ni Rappy. Magmula kanina nang umalis si Jake ay halos ayaw nang tumigil ng luha ko. Titigil lang ito saglit, matutulala ako, mayamaya ay kahit wala akong isipin ay muling sumasakit ang puso ko. Napaspaiyak na lang ako. "I really don't know how to leave you..." Humiwalay ako kay Rappy nang bahag

