CHAPTER TWENTY ONE KATELYN I'm tired of these. NAPATINGIN ako kay Cindy nang pumasok siya sa kuwarto ko. Pagkatapos namin magligpit at makipagkuwentuhan kina Tito Piks ay nagpasya na kaming umuwi para makapagpahinga at maituloy ang pag-iimpake ko. Nauna ako sa kuwarto dahil tinawagan muna niya ang boyfriend niya, at ako naman ay natapos na ang pag-aayos sa mga gamit na dadalhin ko. Hindi niya dala ang cellphone kaya alam kong tapos na siyang makipag-usap sa boyfriend niya. Halos bumuntong hininga ako nang lumapit siya sa akin sa halos may mapupungay na mga mata. Alam ko kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Yakap ko ang mga tuhod ko habang nakasandal sa headboard ng kama nang umupo siya sa tabi ko. Sumandal din siya sa headboard at sa mga unan doon habang nakatuwid ang mga binti. "Wh

