CHAPTER TWENTY TWO KATELYN When you have to start alone... NAKANGITING hinawakan ako ni Tito Piks sa kabilang balikat ko. "Mag-iingat ka roon, a, hindi mo kabisado ang tao sa Maynila." Napailing ako kay Tito nang natatawa. "Tito, 'wag po kayong masyadong mag-alala sa akin. Nakarating nga ako sa London at umuwi nang buhay, sa Maynila pa kaya?" Ngayong araw ang byahe ko papuntang Maynila. Ihahatid na lang ako ni Cindy sa may terminal ng bus para kahit papaano ay madalian ako sa pagbibitbit ng bagahe ko. Kasalukuyan ko nang nilalabas mula sa bahay ang medium size na maleta ko para ipasok sa sasakyan ni Cindy na nakaparada sa labas ng bahay ko, nang binati ako ni Tito upang magpaalam. "Sabagay, pero kahit naman nang umalis ka ng bansa ay nag-alala pa rin ako sa 'yo." Ngumiti ako at niy

