CHAPTER TWENTY THREE KATELYN When a waves of pain hits you again. NAGING maayos ang unang tatlong araw ko sa trabaho. Una naming inasikaso ang hotel rooms na pagmamay-ari ng kompanya upang mas maging maganda at maging satisfied ang mga customers. Mapa-foreigner man o Pinoy. Ang sabi saka na raw namin aasikasuhin ang condos dahil hindi naman masyadong kailangan ayusin iyon dahil ang mga magre-rent o bibili na ang bahala sa mga gamit ng mga ito. Buhay na buhay ang dugo ko sa pamimili ng mga furniture na ilalagay sa bawat kuwarto. Pati ang magiging kulay ng bed sheets at pillow case, blanket ay masusi kong inaaral at binibilin sa mga nag-aayos. Iba talaga kapag ang gusto ko ang ginagawa ko, hindi ako makaramdam ng pagod. Ramdam ko lang ang pagod ko kapag humilata na ako, but I always en

