CHAPTER TWENTY FOUR CINDY "You sounds so happy," ani ko sa linya habang abala ang kamay at mga mata sa mga kopya ng resibo na naipon sa cash register. Quarter to five na ng hapon nang tawagan ako ni Katelyn para mangumusta, nagsakto naman na hindi ako masyadong abala kaya sinagot ko na. Excited din naman akong marinig ang kuwento niya tungkol sa mga nangyayari sa kaniya sa Maynila. Siyempre nakakasawa rin naman na sa aming dalawa ay ako lang ang nakakapagkuwento tungkol sa relationship status. Pero higit sa lahat ay gusto ko lang naman marinig sa kaniyang masaya siya. Hindi iyong tumatawa siya or whatsoever, ang gusto ko ay masaya ang puso niya, na ni minsan yata ay hindi pa nangyari. Masaya kong naririnig na sa kaniya ngayon ang kuwento tungkol sa kung gaano siya napapasaya sa sim

