CHAPTER TWENTY FIVE KATELYN "Hey, Beautiful. What are you doing?" Habang nagliligpit ng mga damit ay napangiti ako sa bati sa akin ni Jake pagkasagot na pagkasagot ko pa lang ng tawag niya. Inaayos ko na ang mga marumi kong damit na iuuwu bukas sa Tagaytay para doon ito labhan. Biyernes na ngayon kaya day-off ko na bukas hanngang linggo. Napag-usapan namin ni Jake kahapon na sabay kaming uuwi bukas. "Hey Handsome, I'm packing my things." Nakasanayan niya na akong tawaging 'Beautiful' kaya naman minsan ay tinatawag ko na rin siyang 'Handsome' dahil tingin ko ay iyon na ang endearment niya sa akin. "Nakauwi ka na?" Kanina pa ako nasa condo't nagpapahinga, pero siya ay kanina pa abala sa hospital dahil napakarami raw pasiyente, kaya nangako siya sa akin na tatawagan niya ako pagkauwi ni

