CHAPTER TWENTY SIX KATELYN "Nuvitzki!" bati ko sa aso nang makita ko itong tumatakbo nanaman sa kung saan-saan. Sabado ng umaga nang magising ako at nagpasyang mag-jogging habang tulog pa si Cindy. Gusto ko sanang tumambay lang sa loob ng bahay dahil pagod ako buong linggo, ang kaso sa kaalaman na maari kong makita sa labas ng bahay si Jake ang nagtulak sa aking lumabas. Unfortunately hindi ko pa siya nakikita. Nakailang check na rin ako sa cellphone ko kung nag-message siya sa akin, pero wala naman akong nare-receive. Siguro tulog pa. "Ang aga mo nanamang gumagala," sabi ko nang bahagya akong maupo sa gilid nito para mas maabot siya. Umupo lang si Nuvitzki at kinikiskis ang pisngi niya sa kamay ko. Bakit kaya napaka amo nito kahit ang laki-laki? "Tulog pa ang amo niyan, hindi

