CHAPTER TWENTY SEVEN KATELYN NAG-text kaagad ko kay Jake bago ako mag-ayos at nagsabing maggi-girls night out kami nina Cindy. Habang hinihintay ko ang reply niya ay nagkukuwento naman si Cindy sa akin ng tungkol sa napag-usapan nila ng ex-boyfriend niya. Napapailing na lang ako nang sabihin niya na ayon kay Carlo ay nagising na lang daw itong wala nang gana sa relasyon nila, na hindi na ito masaya. Hanggang sa na-realise na nito na hindi na pala nito mahal si Cindy, hindi na lang nito alam kung paano makikipaghiwalay, so he acted like a jerk. Seriously? Hindi niya alam kung paano makikipaghiwalay pero alam kung paano magpakagago? How that even use as an excuse? "Mabuti na rin pala na nahuli ko siya, kung hindi baka hanggang ngayon ay niloloko niya pa rin ako." Napailing uli ako. "Dap

