CHAPTER TWENTY EIGHT KATELYN PARANG binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Nahihilo ako. Tito Larry's right, sa pag-iiwas ko sa pag-inom ng marami ay sakit lang ng ulo ang nahanap ko. Hindi naman kasi ako nagpakalasing kagabi, as I promised to my boyfriend. Pero naaalala kong nakatulog ako nang mga sandaling lasing na ang mga kasama ko. I was about to call Jake pero napaisip ako, dapat ko ba siyang tawagan? Paano kung magtanong sila kung bakit si Jake ang tinawagan ko? So I ended up sleeping at that couch... And now I'm on a... Bed. Napamulat ako kahit na gusto ko pa ulit matulog na lang. Kaagad na bumungad sa akin ang mukha ni Cindy na mahimbing pang natutulog. Nawala ang kaba ko sa mga posibleng mangyari nang makita ko ang katabi ko, ang dingding na may nakasabit na frame na sobra

