(Note: Ang chapter na ito ay hindi pambata. Warning po sa mga bata.) CHAPTER TWENTY NINE KATELYN HABANG nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ay hindi ko mapigilan ang mapapikit. Hindi na ako ganoong nahihilo pero ang sakit sa ulo ko ay naroon pa. Gaano ba katagal mawawala ang hangover na ito? Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang kamay ni Jake sa kamay kong nakapatong sa ibabaw ng hita ko. Nang balingan ko siya ay sumusulyap-sulyap lang siya sa akin habang ang isang kamay ang abala sa manubela. Lunes na at pabalik na kami sa Maynila para sa trabaho. Kahit na ayoko pang pumasok ay wala naman akong choice dahil naghahabol kami sa deadline. Si Cindy ang naiwan sa bahay ko, at siya na rin muna ang titira doon hanggat hindi pa sila nagkakasundo ni Carlo kung anong

