CHAPTER THIRTY KATELYN NAALIMPUNGATAN ako dahil sa liwanag ng kalangitan na tumama sa mukha ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang paggalaw ng kurtina kaya nakapasok ang liwanag. Gagalaw sana ako nang mapatingin ako sa kamay namin ni Jake na magkasalikob malapit sa may ulunan ko. Nakayakap siya sa akin habang nakatalikod ako sa kaniya. Napangiti ako, inaaalala ang mga nangyari kagabi. Para bang tinakpan niyon ang gabing nawala ko ang virginity ko at kinailangan kong magising sa panaginip na iyon. I don't feel cold, not because of his warm body that covering me, but because he didn't let coldness to come in. Dumiretso ako ng higa para makabaling sa kaniya nang hindi pinaghihiwalay ang mga kamay namin. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Ngayon ay nadarama ko na sa aking mukh

