CHAPTER THIRTY EIGHT KATELYN Madilim na sa sementeryo nang makarating ako rito sakay ng taxi. Malamig at sobrang tahimik, at hindi ko mapigilan ang nerbyosin dahil doon. Hindi dahil sa lugar ito ng mga patay, pero dahil sa iilang taong nandirito din na hindi ko naman kilala. Alam ko kung gaano kadelikado para sa aking babae ang magpunta sa madilim at hindi mataong lugar. Siyempre aware ako sa ganoong bagay, I was made from there. Kung hindi lang dahil kay Jake ay nagpasama na ako kay Cindy. Gusto kong magkausap kami ng masinsinan kaya pinili kong hanapin siya nang mag-isa. Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Tito Larry ang posibleng pinuntahan ng anak niya. Alam kong may mali rin ako sa nangyari kanina. Masyado akong nag-focus sa alam kong pinagdadaanan ni Rappy magmula nang umuwi si

