CHAPTER THIRTY NINE KATELYN "Sigurado ka na bang gusto mong lumipat? Kampante pa naman kaming nandito ka para pag-alis namin," ani Mama habang nasa byahe kami papunta sa mall upang maghanap ng mga kagamitan ni Cindy para sa bago niyang uupahan. Kanina pagkaalis ni Jake sa bahay ay sinabi namin kina Mama na mamimili na kami ng gamit nang sa ganoon ay makalipat na si Cindy bukas, linggo, at makapag-ayos ng bago niyang titirhan. Sayang lang ang mga gamit sa dati nilang bahay dahil hindi puwedeng mag-uwi o kumuha na lang doon ng gamit ni Cindy. Plano raw kasi nilang ibenta ang bahay kasama ang mga kagamitan nito, at saka nila paghahatian ang bayad. Kumunsulta pa nga siya sa akin kung magkano ang papatak ang presyo. Dapat kay Rappy siya magtatanong dahil ito ang Civil Engineering, ang kaso

